Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Mga Isyung Inaalala ng Magulang ukol sa Edukasyon ng Anak ng Bagong Imigrante

Guting Junior High School Director Wang Phei-Ling


Naririto ang ilang paksang inaalala ng mga magulang sa edukasyon ng imigranteng anak nitong ilang nakaraang taon, at nagbibigay ng pagbabahagi at mungkahi sa sitwasyon:

Sagabal sa wika at hirap sa pag-aaral: Inaalala ng magulang ang sagabal sa wika at hirap sa pag-aaral na maaaring dinaranas ng anak sa pag-aaral sa paaralan. Inaalala nila kung maaaring matutunan ng anak ang wikang ginagamit sa lugar na iyon at pagsasanay sa kapaligiran ng pag-aaral. Ang mga suliraning ito ay maaaring nagmula sa sumusunod na aspeto:

1. Hadlang sa wika: Madalas galing sa magkakaibang cultural background ang mga anak ng bagong imigrante, maaaring hindi bihasa sa lokal na wika o may malaking pagkakaiba sa pagitan ng sariling wika at lokal na wika. Ito ang magiging pangunahing sagabal sa kanilang pag-aaral sa paaralan.

2. Magkasalungat ang kultura: Maaaring malito o mabalisa ang anak ng bagong imigrante dahil sa pagkakaiba sa kultura, tulad ng pagkakaiba sa pagpapahalaga, mga asal at iba pa na maaaring makaapekto sa kanilang pagsasanay at pag-aaral sa paaralan.

3. Kasanayan at paraan ng pag-aaral: Maaaring may pagkakaiba sa sistema ng edukasyon sa magkaibang kultura, at pagkakaiba sa paraan ng pagtuturo at istilo ng pag-aaral, at maaaring mahirapan ang anak ng bagong imigrante sa pagtanggap ng paraan at kinakailangan sa edukasyon sa lokal na lugar.

4. Stress sa lipunan: Maaaring humarap ang anak ng bagong imigrante sa stress o presyon mula sa lipunan at mga kamag-aral, sakop ang diskriminasyon, pagbubukod, paghahambing sa pag-aaral at iba pa. Makakaapekto ito sa kanilang pagganap sa pag-aaral at tiwala sa sarili.


Sa pagharap sa mga suliraning ito, dapat magbigay ng suporta at katugon na hakbang ang mga ahensya sa edukasyon at lipunan, tulad ng pagbigay ng tulong sa wika at serbisyong pagsasalin, pagsasanay sa pagiging sensitibo sa kultura, kanya-kanyang paraan ng pag-aaral at serbisyong emosyonal na paggabay upang makatulong sa batang malampasan ang sagabal sa wika at paghihirap sa pag-aaral, at mapatupad ang kanilang tagumpay sa pag-aaral at pangkalahatang pag-unlad.

 

Pagsasama ng magkakaibang kultura at paglilinang ng pagpapahalaga: Inaasahan ng magulang na matutong igalang ng mga anak ang lokal na kultura at pagpapahalaga, at kasabay nito, mapanatili ang sariling tradisyonal na kultura. Inaalala nila kung paano mabalanse ang pag-unlad ng pagbibigay-halaga sa magkaibang kultura. Sumusunod ang ilang mungkahi:

1. Edukasyon sa magkakaibang kultura: Dapat masigasig na itulak ng mga ahensya sa edukasyon ang edukasyon sa iba’t ibang kultura, kabilang ang pagsama ng ibang kultura sa prosesong pag-aaral, pagsasagawa ng mga aktibidad sa magkakaibang kultura at magbigay ng pagkakataong magpalitan ng ideya sa magkakaibang kultura, tumulong sa pag-uunawa at pagbigay-galang ng mga anak ng bagong imigrante sa magkakaibang pinanggalingang kultura.

2. Paglinang sa pagpapahalaga: Dapat bigyan ng halaga ng mga ahensya sa edukasyon ang paglinang sa pagbibigay-halaga, isulong ang wastong pagpapahalaga at asal, gabayan ang anak ng bagong imigrante magtatag ng tiwala sa sarili, paggalang at may pananagutan, linangin na maging mamamayang mapagparaya, bukas ang loob at responsable.

3. Mga extracurricular na aktibidad: Magbigay ng mayaman at madaming uring aktibidad bukod sa pag-aaral kabilang ang sining, sports, boluntaryong pagsisilbi at iba pa, upang may pagkakataong makilahok ang anak ng bagong imigrante sa mga ibang mag-aaral, isulong ang palitan at kooperasyon, ilinang ang kahalagahan ng pagbabahagi.

4. Suporta ng pamilya: Ihikayat ang magulang na makilahok sa pag-aaral ng mga anak, makipagtulungan sa paaralan, magkasamang gumabay sa mga anak sa pag-unlad ng pagbibigay ng halaga at pagsasama ng magkakaibang kultura.


Sa pamamagitan ng mga paraang ito, maaaring tulungan ang mga anak ng bagong imigrante na ipatupad ang pagsasama ng iba’t ibang kultura at linangin ang kahalagahan ng kalusugan, isulong ang pangkalahatang pag-unlad at matagumpay na makilahok sa lipunan.