Counseling Director Tsai Chao-Hsien sa Jiuzhuang Paaralang Elementarya
Ang pag-aaral ng anak ng bagong imigrante sa paaralan ay walang pinagkaiba sa pangkaraniwang mag-aaral. Pangunahing nakasalalay ito kung mabisang nagawa ng pamilya ang tungkulin o hindi, ngunit hindi lamang pamilya ng bagong imigrante ang mayroon nito. Madalas matingnan ang kalagayan ng pag-aaral sa paaralan ng mga anak ng bagong imigrante, sarili kong naobserbahan ang kakulangan ng tiwala sa sarili, mas mataas ang pagkakaroon ng sagabal sa pag-aaral, mahina ang kakayahang pakikitungo sa ibang tao ..., o maaaring may ganap na kaugnayan sa tungkulin ng pamilya sa edukasyon.
Magmula sa bahaging pakikitungo sa ibang tao, may kaugnayan sa nabanggit kong “hindi sapat ang tiwala sa sarili, mataas ang posibilidad ng sagabal sa pag-aaral at mahina ang kakayahang pakikitungo sa ibang tao”. Subukan isipin, ang kakulangan ng tiwala sa sarili ay makakaapekto sa pag-aaral ng bata at kakayahang makihalubilo sa ibang tao. Ang mga anak ng bagong imigrante, kabilang na ang inang nagmula sa Timog Silangang Asya, ay may kapaligiran sa pamilyang may kawalan sa kultura. Mahina ang katayuan sa loob ng pamilya, direktang makakaapekto sa pagbuo ng pagkakatao ng bata dahil pangkaraniwan, ang ina ang nag-aalaga at nagtuturo sa bata. Kapag hindi marunong ng wikang Chinese ang ina o hindi marunong makipag-usap hanggang sa hindi kayang gabayan ang anak sa paggawa ng mga aralin lalo’t na sa unang pagpasok sa paaralan ng bata at may naranasang suliranin sa pag-aaral, hindi agarang malulutas ang problema at mahirap nang baguhin ang karanasang nabigo. Mababang pagkakataon ng tagumpay sa pag-aaral sa matagalang panahon, lalong nawawala ang tiwala sa sarili at magkakaroon na rin ng suliranin sa pakikitungo sa ibang tao.
Sa larangang espesyal na edukasyon, ang pakikitungo sa ibang tao ay tumutukoy sa inter-aksyon sa pagitan ng tao. Ngunit sa ganitong bata na hindi maganda ang relasyon sa ibang tao, kulang na rin ang kasama sa pag-aaral kaya’t mag-isang nag-aaral, walang kaibigan, malungkot at walang alam. Dahil walang kaibigan, hindi rin gaganda ang kalagayan ng pag-aaral sa paaralan. May dalawang posibilidad ang ganitong uri ng bata: may isang tahimik at madalang magsalita at ang isa naman ay mahilig magtawag ng pansin, hindi nawawala ang mga maliliit na pagkukulang kaya’t lalong napapalayo sa mga kamag-aral at ayaw rin makasama sa grupong pagsasanay. Kapag ang batang ito ay hindi nabigyan ng pansin ng guro, lalong lalala ang kalagayan ng pag-aaral ng bata. Kaya dapat bigyan ng atensyon ng guro ang ganitong uri ng mag-aaral, gabayan siya upang maitaas ng bata ang kanyang noo at sumabay sa pag-aaral.
Ayon sa sariling karanasan, naririto ang ilang mungkahi. Ukol sa tungkulin ng pamilya, ang counselor at ang social worker sa paaralan ay maaaring magbigay ng paggabay upang mapahusay ang tungkulin ng edukasyon sa pamilya at matuklasan ang mga problema, tumulong sa paglutas, mas madaling tulungan ang bata na lumaking positibo. Sa batang ayaw magsalita at walang tiwala sa sarili, ihinihikayat na bigyan ng pagkakataon ang bata ngunit bago rito, tulungan ang bata sa pagsasanay at takdang-aralin upang magkaroon ng kakaibang asal ang bata sa harapan ng kanyang mga kaibigan. Unti-unting maiipon ang tiwala at gaganda ang pakikitungo niya sa ibang tao. Ang isa pang uri ng batang nagpapapansin, una dapat tingnan ang magandang asal at ipaalam itong magandang asal sa ibang bata. Magsimula mula sa mga kasamang tatanggap sa batang ito bago magbigay-gabay sa mga technique ng inter-relasyon sa iba, baguhin ang mga hindi kanais-nais na ugali, unti-unting matamo ang pagkilala at pagtanggap sa kanya upang hindi na siya muling mag-iisa.