Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Paghaharap sa Pag-aaral at Edukasyon ng mga Anak ng Bagong Imigrante

Guting Junior High School Counselor Wang Phei Ling


Sa pagtratrabaho sa Counseling Room nitong mga nakaraang taon, nabigyan ng pansin ang edukasyon ng mga anak ng bagong imigrante at nangangailangan ng pag-aaral sa wika, kultura, kasaysayan, panlipunan at iba pang kaalaman upang maging bahagi ng lokal na lipunan. Bukod rito, mahalaga rin ang pagsasanay sa pagpupuna at pag-iisip, pakikipagtulungan, pagkamalikhain at iba pang kakayahan.


Sa bahaging pagpapahusay ng pagiging malikhain at mapag-iisip na napakamahalaga sa lipunan ngayon, nasa ibaba ang ilang paraan ng pagpapahusay sa paglikha at pag-iisip ng bata:


1. Ihikayat sa mga bata na maging mayaman ang imahinasyon: Hayaan ang bata ng mag-isip at kumilos nang mag-isa upang makapaglikha ng iba’t ibang posibilidad. Huwag pigilan ang kanilang imahinasyon.


2. Linangin ang pagkamausisa: Himukin ang batang magtanong at magkaroon ng kuryosidad sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid at maggalugad sa mundo.


3. Magbigay ng madaming uri ng karanasan: Maranasan ang iba’t ibang bagay, gumawa ng magkakaibang gawaing-kamay, lumahok sa magkakaibang aktibidad upang makita ang iba’t ibang bagay at maudyok ang kakayahang lumikha.


4. Bigyan ng espasyong kusang matuto: Hayaan ang batang tapusin ang gawain nang mag-isa upang maranasan nila ang dinadaanan ng kusang pag-aaral at mapaunlad ang kakayahan nilang mag-isip nang mag-isa.


5. Ihikayat sa batang matuto ng sining: Nakakapagbigay ang sining ng kakayahang lumikha ang bata at maipahayag ang sarili.

 

6. Bigyan ang bata ng inspirasyon na mag-isip: Bigyan ang bata ng sapat na paghahamon upang mag-isip sila kung paano maglutas ng problema. Himukin ang bata sa kakayahang mag-isip.


7. Puriin ang pagsisikap ng bata: Ihikayat na sumikap ang bata at puriin ang kanyang nagawa upang lalo silang magkaroon ng tiwala sa sarili at mapahusay ang pag-iisip at paglilikha.


Isa sa mga mahalagang patakaran at alituntunin ng Kagawaran ng Edukasyon ngayong taon ay magbigay ng espasyong matuto ang bata nang mag-isa. Maaaring magsimula sa mga sumusunod na paraan:

1. Magbigay ng angkop na gamit (resources) sa pag-aaral: tulad ng aklat, internet, mga gamit sa pag-aaral upang may pagpipilian ang bata sa kusa niyang pag-aaral.


2. Ihikayat ang batang magpahayag ng sarili niyang pangangailangan at nasasaisip sa pag-aaral: Ipaalam sa bata na pinapahalagahan at may suporta sa kanyang pangangailangan sa pag-aaral. Maaari itong dumagdag sa nais ng batang mag-aral nang kusa.


3. Lumikha ng positibong kapaligiran sa pag-aaral: tulad ng bigyan ng lugar na tahimik at may positibong kapaligiran upang maramdaman ng bata ang ginhawa sa pag-aaral.


4. Bigyan ang bata ng sapat na pagsasarili: tulad ng pabayaan ang batang magpasya ng sariling paraan sa pag-aaral. Bigyan ang bata ng karapatang gumawa ng sariling pasya, makakatulong sa kusang pag-aaral.


    Dapat pag-aralan din ng bawat magulang at mga guro kung paano puriin ang bata. Nasa sumusunod ang ilang mga mungkahi:


1. Puriin ang pagsisikap at pagpupursige ng bata maliban sa resulta.


2. Ilagay ang pansin sa mabubuting katangian ng bata at ipaalam sa bata na nakikita mo ang mga ito.


3. Ihikayat sa bata na magpatuloy sa pagsusubok at hamunin ang sarili at sabihin sa kanila na naniniwala kang magtatagumpay sila.


4. Magbigay ng mabisang feedback. Ipaalam sa bata ang lugar na ginawa niyang wasto at ang lugar na maaari niya pang baguhin at pagsikapan.


5. Ipahayag ang pagpupuri sa paghalik o sa kilos ng katawan upang maramdaman ng anak ang iyong katapatan at pagbibigay ng pansin.


    

Mahaba ang daan na pag-aaralan ng bata sa buhay. Unang trabaho ng magulang ay linangin ang mabuting gawi sa pag-aaral ng mga bata. Magbigay ng mga gamit at suporta sa pag-aaral at itatag ang positibong komunikasyon at interaksyon sa anak upang isulong ang pag-aaral at paglaki ng anak. Bukod rito, dapat ihikayat ng magulang ang anak na paunlarin ang sariling interes at talento at magbigay ng pagkakataon sa batang matuto ng bagong kasanayan at kaalaman.