Nitong mga nakaraang taon sa trabaho sa pagpapayo, madalas marinig mula sa mga magulang: “Titser, malapit na akong mamatay sa galit sa batang iyan! Hindi ko na alam kung paano makiusap sa kanya?”
Isang paraan ang mahinahong pakikipag-usap sa mag-anak, maaaring madagdagan ang pag-uusap at pang-uunawa sa pagitan ng mag-anak. Sumusunod ang ilang halimbawa ng mahinahong pag-uusap:
1. Gumamit ng salitang positibo: Gumamit ng paghihikayat at pagpuri, dagdagan ang tiwala at sigasig ng bata. Halimbawa: “Ang galing mo!”, “Naniniwala akong makakaya mo!”
2. Pakinggan at bigyan ng galang ang naramdaman ng bata: Makinig sa pangangailangan at bigyan ng espasyo ang anak kapag nagsaad ng kanyang damdamin o mungkahi.Halimbawa: “Naunawaan kong nagagalit ka. Nais mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyari?”
3. Magtanong sa halip na magpuna: Kapag may nagawang mali ang bata, gumamit ng paraang pagtatanong upang sila ay makapag-isip at makapagnilay-nilay. Halimbawa: “Sa palagay mo, makakatulong ba sa iyo at sa ibang tao ang ganyang desisyon?”
4. Gumamit ng salitang “ako”: Ipahayag ang sariling naramdaman at nasasaisip sa halip na magbintang at sisihin ang bata. Halimbawa: “Kapag hindi mo sinasabi sa akin ang iyong plano, nakakaramdam ako ng kaba at pag-aalala.”
5. Magtatag ng isang magkatulad na layunin: Magtakda ng layunin kasama ang iyong anak at ihikayat sa kanila, mag-isip kung paano makamit ang layunin. Halimbawa:“Magtakda tayo ng isang plano sa pag-aaral upang tulungan kang makamit ang sarili mong layunin.”
6. Ihikayat ang paglutas ng suliranin: Tulungan ang anak na maghanap ng paraang malutas ang problema sa halip na diretsang ibigay ang sagot. Halimbawa: “May naisip ka bang paraan para malutas itong problema?”
7. Magbigay ng pagsang-ayon at paghihikayat: Kahit na maliit lamang ang pagbabago, pagsisikap pa rin ito at dapat magbigay ng pagsang-ayon, suporta at lakas ng loob sa anak. Halimbawa: “Natutuwa ako dahil nakikita kong nagsusumikap ka sa iyong pag-aaral!”
Ang mga paraan ng pananalitang nabanggit sa itaas ay makakatulong sa pagtatag ng magandang relasyon sa pagitan ng magulang at anak, mapasulong ang paglaki at tiwala sa sarili ng anak. Tandaan, mahalaga ang paggalang, pag-uunawa at pakikisama. Bukod dito, may mga paraan pang maaaring gamitin ng magulang sa pagtuturo at pangangalaga sa anak:
1.Sumang-ayon sa pagsisikap ng anak: Hindi lamang resulta ang titingnan kundi dapat bigyan ng pansin ang pagsisikap ng anak. Halimbawa: “Natutuwa ako dahil nakikita kong nagsusumikap kang matapos ang iyong takdang-aralin!”
2. Magbigay ng karapatang pumili: Bigyan ng pagkakataong pumili ang anak upang maramdaman nila ang pagpapahalaga sa kanila at ang pananagutan. Halimbawa: “Alin ang nais mong unahin na gawain: maghugas ng plato o magwalis sa sahig?”
3. Ibahagi ang pasasalamat: Isaad ang pasasalamat sa anak upang malaman nilang nakita mo at pinapahalagahan ang kanilang pagsisikap at tulong. Halimbawa: “Salamat at ninais mong tumulong sa pag-aayos ng kuwarto. Mahalaga ito para sa akin!”
4. Ihikayat ang kakayahang pagkamalikhain at paggamit ng imahinasyon: Bigyan ng espasyo at panahon ang bata, ihikayat silang lumikha at mag-isip. Halimbawa: “Malikhain ang iyong mga guhit. Nagugustuhan ko ang mga naiisip mong kakaiba!”
5. Magtaguyod ng inyong kasunduan at mga tuntunin: Isama ang anak na magtalakay at magtakda ng kasunduan at tuntunin. Sa kanilang pakikilahok, ipaunawa sa kanila ang mga dahilan. Halimbawa: “Pag-usapan natin ang oras ng iyong pagpahinga upang magkaroon ka ng sapat na oras ng pagtulog.”
6. Magbigay ng emosyonal na suporta: Tuwing bigo ang naramdaman ng anak, malungkot o nag-aalala, magbigay ng emosyonal na suporta at konsolasyon. Halimbawa: “Naunawaan ko ang iyong pag-aalala, naririto ako upang magbigay ng suporta sa iyo.”
Makakatulong ang mga paraang ito sa pagtuturo at pagpapatibay ng maganda at masayang relasyon sa pagitan ng magulang at anak.
Sana’y magkaroon ng magandang relasyon ang mag-anak sa bawat pamilya!