Guting Junior High School Counselor Wang Phei Ling
Hinihikayat ng Ministri ng Edukasyon sa mga mag-aaral na gumawa ng sariling pag-aaral at nagbibigay ng mga kaugnay na gabay at resources upang mailinang ang pag-unlad at kakayahan sa sariling pagsasanay ng mag-aaral. Sumusunod ang ilang paraan sa pagtutulak ng Ministri ng Edukasyon sa sariling pag-aaral:
1. Magtatag ng pag-aaral na nakatuon sa pagsasanay: Hinihikayat ng Ministri ng Edukasyon sa mga paaralan at mga guro, magdisenyo ng kursong pag-aaral na nakatuon sa pagsasanay, ihikayat ang mga mag-aaral na kusang sumali sa pagsasanay upang linangin ang kakayahan at interes sa sariling pag-aaral.
2. Bumuo ng materyales at resources sa pagtuturo: Nakatuon ang Ministri ng Edukasyon sa pagbuo ng may kalidad na materyales at resources sa pagtuturo, kasama ang aklat sa pagtuturo, resources sa digital pag-aaral at iba pa, ibinibigay upang magamit ng mga mag-aaral at suportahan sila sa sariling pag-aaral.
3. Magbigay ng prinsipyong paggabay sa pagsasanay: Naglahad ang Ministri ng Edukasyon ng isang seryales ng prinsipyong paggabay sa pagsasanay para sa pagsangguni ng mga mag-aaral at magulang, tulungan sila sa mas magandang paraan ng sariling pag-aaral kasama na ang pamamahala sa oras at paraan ng pag-aaral.
4. I-promote ang mga online platform sa pag-aaral: Upang mabigyan ng masaganang mapagkukunan at kursong pag-aaral sa pag-aaral sa online at sariling makapagpili ang mag-aaral ng pag-aaral na naaangkop sa sarili.
5. Magsagawa ng mga paligsahan at aktibidad sa pag-aaral: Magsasagawa ang Ministri ng Edukasyon ng iba’t ibang uri ng paligsahan at aktibidad sa pag-aaral, ihikayat ang mga mag-aaral na sumali, pasiglahin ang kakayanan at interes sa pag-aaral, lalong linangin ang kakayahan sa sariling pag-aaral.
Ang layunin ng Ministri ng Edukasyon sa pagtulak nito ay ang paggabay sa mag-aaral mula sa isang tumatanggap ng edukasyon, maging isang kusang may nais na matuto at linangin ang dahilan at kakayahan sa sariling pag-aaral, mapahusay ang resulta at tagumpay sa pag-aaral. Maaaring gamitin ng mag-aaral ang mga resources at paggabay sa pag-aaral nang ayon sa sariling hilig at pangangailangan, patuloy na mapahusay ang sariling kakayahan sa pag-aaral at standard ng kaalaman.
Ukol sa pagsasagawa ng sariling pagsasanay ng mag-aaral sa bakasyon sa panahong tag-init, naririto ang aking mga mungkahi bilang isang guro sa paaralan:
1. Magtakda ng sariling plano sa pag-aaral: Gumawa ng isang plano sa araw-araw na pag-aaral, sakop ang asignatura / nilalaman ng pag-aaral at iskedyul sa oras bawat isang araw at iba pa. Makakatulong ito sa pag-organize sa oras ng pag-aaral at makakatiyak sa pagtapos ng layunin sa pag-aaral.
2. Pagbabasa ng mga aklat: Pumili ng mga nais mong basahin na aklat. Magbasa ng iba’t ibang uri ng aklat at paksa, makakapagpalawak ng kaalaman at paglinang ng kakayahang magbasa at mag-isip. Maaaring pumili ng aklat sa klasikong literatura, agham, pagpapayaman sa sariling kakayahan at iba pa.
3. Extra-curricular na aktibidad: Sumali sa iba pang aktibidad tulad ng summer camp at boluntaryong aktibidad at iba pa. Makakapagdagdag sa iyong karanasan sa lipunan, linangin ang kakayahang pakikisama at pamumuno sa grupo.
4. Mga resources sa online na pagsasanay: Madaming mapagpipilian na libreng pagsasanay sa online at mga learning platforms.
5. Pagsasanay at paggamit: Bukod sa pag-aaral, dapat gamitin sa aktuwal ang napag-aralan sa pamamagitan ng paglutas ng problema, proyektong pagsasanay, pagsusulit at iba pa.
6. Linangin ang hilig at interes: Gamitin ang panahon sa bakasyon upang linangin ang sariling hilig at interes. Pag-aaral sa musika, pagguhit, ehersisyo o iba pa, mas magiging nakakatuwa at makulay ang iyong bakasyon.
Kahit anuman ang napili mong paraan sa pagsasagawa ng sariling pag-aaral, mahalaga ang magkaroon ng nais na mag-aral at magsumikap. Sana’y magkaroon ng isang makabuluhang bakasyon ang lahat!