Guting Junior High School Counselor Wang Phei Ling
Nitong nakaraang mga taon sa trabaho sa counseling, madalas marinig mula sa mga magulang: “Titser, buong araw naglalaro ang anak ko sa internet sa bahay, hindi umaalis sa bahay at hindi nag-aaral, internet addict na po ba ang anak ko, ano po ang dapat kong gawin?”
Ayon sa pormal pagpapahayag ng World Health Organization (WHO) noong katapusan ng Hunyo 2018 ng pagsama ng internet addiction sa sakit sa pag-iisip, may tatlong standard sa pagkilala nito tulad ng pagkawalan ng kontrol, naapektuhan ang pang-araw-araw na buhay at kalagayang patuloy nang isang taon, pinangungunahan ng kalagayang pagkawala ng kakayahan dulot ng pagkawala ng kontrol sa paglalaro sa internet ng mga kabataan at hindi ang pangkaraniwang inaakalang pinaggagamitan ng madaming oras sa paglalaro.
At sa paaralan, pinangangahulugan ang internet addiction na “negatibong epekto sa pag-aaral, trabaho, lipunan, pamilya at kakayahan ng katawan at isip sanhi ng labis na paggamit ng internet”. Sakop sa standard ng pagtukoy nito ang pitong bagay. Basta’t may umangkop na tatlong bagay at patuloy ang kalagayan nang 12 buwan at higit pa, maaari itong makilanlan na internet addiction.
1. Pagpaparaya - laging umaasang madagdagan ang oras ng paggamit ng internet upang makontento.
2. Pagkaraan ng paghinto ng paggamit ng internet, nagiging balisa at hindi mapanatag, hindi tumitigil ang pag-iisip sa mga pangyayari sa internet.
3. Lalong lumalabis sa itinakdang oras at panahon ng paggamit sa internet.
4. Nagagamit ang madaming panahon sa mga bagay-bagay kaugnay sa internet.
5. Mag-iisip ng paraan upang mapigilan o matigil ang paggamit sa internet ngunit hindi nagtatagumpay.
6. Napapabayaan o nababawasan ang mga mahalagang aktibidad sa interaksyon sa lipunan, trabaho at libangan.
7. Subalit nadarama na paulit-ulit ang iba’t ibang nabanggit na suliranin sa itaas sanhi ng paggamit ng internet, hindi pa rin tumitigil ang paggamit ng internet.
Sa lipunan ngayon, madalas makita ang internet addiction sa mga kabataan at ang epektong idinudulot nito tulad ng mababang pagpapahalaga sa sarili, stress sa pag-aaral o sa trabaho, hindi maganda ang relasyon sa pamilya o sa ibang tao at iba pa. Paalala sa mga magulang na nagnanais malayo ang anak sa internet addiction, una, dapat magkaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng magulang at anak upang matulungan ang anak. Dapat unawain kung ano ang ginagawa ng anak sa internet, dahil ba sa hilig? Upang may makilala? O upang umiwas at tumakas? Ang internet ay lumikha ng panlipunang koneksyon at kasabay nito, lumikha ng panlipunang pagbubukod at paghihiwalay!
Ipinapaalala rito sa mga magulang, kapag totoong malala ang kalagayan ng internet addiction ng anak, bukod sa dalhin ang anak at magpagamot, dapat magtanong sa mga eksperto at panatiliin ang komunikasyon at pakikipagtulungan sa mga guro sa paaralan. Dapat tandaan ng magulang ang isang malaking direksyon. Ang pinakamalaking suliranin sa internet addiction ay ang “pagkawalan ng koneksyon sa tao”. Ang taong ito ay hindi lamang kabarkada, guro o pamilya. Dapat maunang magkaroon ng magandang relasyon sa mag-anak upang may paraan na matulungan ang anak sa paglilinaw, maging sa pagtatalakay ng layunin sa buhay, pagtaguyod ng relasyon sa ibang tao, paghuhusay ng pananalita at komunikasyon. Pinakamagandang paraan ng paglutas ay ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa ibang tao at ang pakikilahok sa panlipunang mga aktibidad.