Superbisor sa Po-ai Paaralang Elementarya, Huang Zhong-Xin
Sa proseso ng pag-aaral sa paaralan at pakikipag-ugnayan sa tao, madalas nakakasalubong ng suliranin ang bata. Dapat gamitin ng magulang ang ganitong mga pagkakataon, makinig at makipag-usap, magbigay ng pagmamahal at pagmamalasakit, maging maayos ang pangyayari, maging oportunidad ng pagbabago ang panahon ng krisis at mapalapit ang relasyon sa pagitan ng mag-anak. Nasa ilalim ang pagbabahagi ng ilang prinsipyo at paraan sa pakikipag-usap sa pagitan ng magulang at anak:
A. Bago mangyari ang pangyayari
(1) Makilahok sa aktibidad sa klase: Sumali at makilahok sa mga aktibidad sa klase (pagpupulong ng magulang, pag-aaral sa labas ng paaralan at iba pa), unawain ang pakikisama ng anak sa mga kamag-aral sa kanyang klase, at alamin ang paraan ng pagtuturo at pamamahala ng guro sa klase.
(2) Magkaroon ng komunikasyon sa guro: Dahil ang guro ang taong may pinakamahabang panahon na nakakasama ng anak sa loob ng paaralan, karapat-dapat na magkaroon ng malapit na komunikasyon sa guro upang unawain ang kalagayan ng anak sa paaralan ukol sa pag-aaral at pakikisama sa ibang tao.
(3) Obserbahan ang mga di-pangkaraniwang reaksyon ng anak: May kaba, tahimik kapag napag-uusapan ang ukol sa paaralan, takot bumalik sa paaralan sa pagtapos ng bakasyon, madalas sumasakit ang tiyan o may iba pang karamdaman sa katawan. Kapag nagkaroon ng ganitong mga kalagayan, alamin kung may nadaranas na stress o hirap ang anak.
B. Matapos mangyari ang pangyayari
(1) Makinig at huwag sisihin
Sa pag-uusap sa pangyayaring nangyari, magandang pagkakataon ito upang unawain ang anak. Kailangan unawain muna ng magulang ang pag-iisip ng anak upang maaaring makipag-usap sa kanya. Huwag magmadaling putulin ang salita ng anak o sisihin agad ang anak (tiyak na ganyan ganito ka, masyado na kitang kilala), iwasan na hindi na makipag-usap ang anak sa darating na panahon.
(2) Ilagay ang sarili sa katayuan ng anak, pahalagahan ang nadarama ng anak
Mas mahalaga na bigyan ng pansin ang damdamin ng anak kaysa ituwid ang kanyang kilos. Ito ang papel na ginaganap ng magulang at walang makakapagpalit dito. Kapag kinausap na ang bata sa paaralan o nabigyan na ng babala at muling haharap sa pagtatalakay pag-uwi sa bahay, masyadong mabigat ang takot na maidudulot sa isip ng batang wala pa sa edad. Sa panahong ganito, dapat magbigayang magulang ng pagkakataon sa anak na maipahayag ang sarili. Intindihin ang bata, hayaan mabuksan ng anak ang kanyang loob.
(3) Bago at matapos ang pakikipag-usap, bigyan ng pagmamahal at suporta
Sa pag-uusap, matamo man o hindi ng magulang ang inaasahang resulta, dapat kusang magbigay ng kasiyahan at paghihikayat sa anak. Tumayo sa panig ng anak dahil kailangan ang pagmamahal at paghihikayat ng magulang upang mapangalagaan ang paglaki at pagbabago ng anak.
(4) Magkasamang pag-usapan ng anak ang mga paraan na maaaring gawin sa darating na panahon
Sa pagharap sa suliranin, maaaring magbigay ng mungkahi ang magulang ngunit huwag umasang magagawa agad nang maayos ng anak. Bigyan ang anak ng pagkakataon na mapahusay ang kakayahan sa paglutas ng problema. Nasa bagay at pangyayari lamang ang pag-uusap sa pagitan ng mag-anak at hindi maaapektuhan ang pagpapahalaga ng bata sa sarili, hindi mawawala ang interes niyang pumasok sa paaralan.
Dapat itatag ang gawing nakikipag-usap sa anak ukol sa mga bagay-bagay sa paaralan upang lalong maintindihan ang pagbabago ng isip at mga pangyayaring nararanasan ng anak sa kanyang paglaki, upang mabigyan ng nararapat na paghihikayat at paggabay. Maging tagapakinig ng anak. Mas magkakaroon ng kakayahan ang anak na humarap sa iba’t ibang sitwasyon sa pamamagitan ng magkasamang pagtatalakay ng mag-anak sa mga paraan ng paglutas sa suliraning nangyayari sa paaralan.