Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ginagaya ka ng Anak mo sa Sandaling iyon

Isinulat ni: Zhang Shousong, Adjunct Assistant Professor, National Aeronautical University


Mas nakakadaig ang aksyon kaysa salita. Ang aksyon ng magulang ay modelo para sa anak. Mabuti man o hindi ang ginagawang aksyon, tama man o mali, ginagaya ka ng anak mo sa sandaling iyon. Laging inaakala ng anak na mabuti at tama, walang duda, ang lahat ng ginagawa ng magulang. Ibig bang sabihin mahirap alamin kung mabuti o masama, hindi malinaw kung tama o mali ang gawain ng magulang?

Ilang taon nang nakaraan, may video na “Nagsusumikap gumaya ang anak” sa YouTube. Subalit isang minuto at kalahati lamang ang haba ng video, ngunit may limang eksenang maaaring pag-isipan nang malalim.

Eksena 1: Magulang A nagsisigarilyo habang naglalakad. Matapos magsigarilyo, itinapon ang upos sa sahig at ginamit ang paa upang patayin ang apoy ng sigarilyo. Kasunod ang anak sa likod, ginamit rin ang paa, gumawa ng kilos ng pagtapak sa upos.

Eksena 2: Magulang B umiinom ng inumin at itinapon sa tabi ng daan matapos ubusin ang inumin. Umiinom rin ang anak habang naglalakad, itinapon rin sa tabi ng daan matapos ubusin ang inumin.

Eksena 3: Magulang C gumagamit ng telepono sa pampublikong telephone booth, biglang binugbog nang malakas ang telepono habang nagsasalita. Nagtataka ang anak at ginaya ang magulang, ginamit rin ang kamay, malakas na pinupukpok ang pampublikong telepono.

Eksena 4: Magulang D dahil masama ang loob, kumuha ng mga bato at ipinagtatapon sa maliit na aso sa loob ng kulungan. Nagtatago ang aso at umiiwas sa mga ipinagtatapong bato. Nakita ito ng anak at gumaya, kumuha rin ng bato at ipinagtatapon sa aso.

Eksena 5: Natapon at nagkalat sa sahig ang mga gamit sa loob ng basket ng isang ale. Nakita ito ng magulang at lumapit agad, tumulong sa pagpulot ng mga gamit at ibinalik sa basket ng ale. Tumulong rin agad ang anak, kasama ang magulang, sa pagtulong sa ale.

Mula sa limang eksena sa itaas, may bagong gawi at pagsasanay ang anak matapos gumawa ng obserbasyon at paggaya. Ang kilos ng paggaya ay nagsisimula sa “nakikita→nakatatak sa isip→nagkakaroon ng ideya→nais na gawin”. Sa ikalimang eksena, nang matapon ang gamit mula sa basket at madaliang tumulong ang magulang, nakita at napansin ito ng kasamang anak. Matatandaan ng anak ang eksenang ito at pagkatapos, magbubuo ng sarili niyang pagkilala, magiging motibasyon ng pagtulong sa ibang tao. Kapag muling nakaharap ang ganitong sitwasyon, muling gagawin itong gawi at kilos ng pagtulong sa ibang tao. Ganoon din, ang hindi nararapat na salita at kilos ng magulang ay magiging sanhi ng hindi nararapat na kasanayang ginaya ng anak.

Mga magulang, huwag maliitin ang bawat ninyong salita at kilos. Matalas na tagapagsuri ang bata at magaling sa paggaya at pagtulad. Kahit na walang ginawang pagtuturo ang magulang, gumagaya ang anak mula sa pag-obserba at walang pag-aalinlangan natututo ng kasanayan at gawing mabuti man o hindi.

Malaki ang impluwensiya ng pananalita at pagkilos ng magulang sa pag-unlad ng personalidad ng anak. Isang materyales na pinag-aaralan ng bata ang pangkaraniwang katauhan, kaugalian, paraan ng paghawak sa mga gawain, sa kabiguan at sa emosyon ng magulang. Kalahati na ng pagtagumpay sa pagtuturo sa anak ang paggawa ng sariling mga kilos at halimbawa. Gaya ng sinabi ni Froebel, “Ang edukasyon ay walang iba kundi isang pagmamalasakit sa pagmamahal at huwarang modelo.”