Isinulat ni: Zhang Shousong, Adjunct Assistant Professor, National Aeronautical University
May isang klaseng passbook, hindi para sa pera kundi ginagamit sa pagpundar ng “pagmamahal”. Mas marami ang ipon, mas marami rin ang pagmamahal at may patubo rin ang pagmamahal. Ang lahat ng ito ay nakikita sa libreta ng pagmamahal.
May kanta ang popular singer Feng Fei-Fei na “Ay ni tsai xin kou nan khay 「愛你在心口難開」(Mahirap ibukang-bibig ang pagmamahal sa iyo)” at may lirikong “Mahirap ibukang-bibig ang pagmamahal sa iyo, alam mo bang minamahal kita?” Ang sagot rito ay maaaring hindi alam o totoong hindi nalalaman dahil dapat ipahayag ang pagmamahal, sabihin, gawin at ipunin.
Gumamit ng mga salitang pumupuri, naghihikayat, nagpapatiyak at nagpapatibay ng loob upang maipahayag ang pagmamahal sa pamilya tulad ng “Maraming salamat sa iyo, Kaya natin ito, Paumanhin” o “Okay, Magaling, Maganda, Congratulations”. Maipapahayag at matatanggap ng bawat isang miyembro sa pamilya ang walang hangganang pagmamahal sa isa’t isa. Isa itong paraan ng pagpupundar ng pagmamahal.
Bawat araw, maaaring ibahagi sa pamilya ang isang bahagi ng naranasan sa araw na iyon, sabihin ang nadarama at nasasaisip, magpalitan ng ideya at magbigay ng suporta. Maaari ring magkasamang gumawa ng gawain tulad ng magbasa ng aklat, magguhit, kumanta, linisin at ayusin ang silid o magkasamang mag-ehersisyo. Madarama ng bawat isang miyembro sa pamilya ang malapit at pagmamahal sa bawat isa. Pangalawa itong paraan ng pagpupundar ng pagmamahal.
Pangatlong paraan ng pagpupundar ng pagmamahal: Magbigay ng regalong magpapahayag ng matinding pagmamahal sa pamilya. Obserbahan ang nais at hilig ng kasama sa pamilya tulas ng bagay na gusto niyang gamitin, ilagay sa mesa o sa kama, mga kanyang isinasabit sa kuwarto at mapipili mo rin ang regalong gugustuhin ng kapamilya mo. Mararamdaman ng kapamilya mo ang maingat mong pagpipili ng regalo na kumakatawan sa pagmamahal mo.
Pang-apat na paraan ng pagpupundar ng pagmamahal: Ang paggawa ng bagay-bagay para sa pamilya ay walang hinihinging kapalit. Gumawa nang mula sa puso tulad ng paglalaba sa mga damit, pagsusuri sa kaligtasan ng kanilang sasakyan, pagbibigay ng impormasyon sa kalusugan at pag-uunawa sa kailangan nila. Madarama ng bawat isang miyembro sa pamilya ang pag-aalala, pagmamahal at pagpapahayag ng kabutihan para sa bawat isa.
Gumamit ng angkop na kilos sa pisikal tulad ng paghawak sa kamay, tapik sa balikat, paghawak sa baywang. Madarama ng kapamilya ang pagmamahal, hindi sa salita kundi sa aksyon. Ika-5 itong paraan ng pagpupundar ng pagmamahal.
Wow! Nakaipon sa loob ng libreta ng pagmamahal ang “Mga salitang nagpapatibay ng loob, Mga masasayang sandali, Espesyal na regalo, Serbisyo at aksyon, Pisikal na kilos”, puro mga gintong salapi na napupuno ng pagmamahal. Ang pagmamahal ay dapat sinasabi, ginagawa at ipinapahayag. Naiipon ito sa libreta. Gawin pang-araw-araw na kasanayan ang pag-ipon ng pagmamahal sa libreta. Ang libreta ng pagmamahal ay magdadala ng kasiyahan sa pamilya. Maraming paggagamitan ang pag-ipon ng pagmamahal. Kapag nagkaroon ng mga pagkakasalungat, maaaring lumiit ang mga bagay-bagay dahil sa pagmamahal. Hangad ng bawat pamilya ang pagkakaroon ng kaligayahan at kasiyahan. Ang libreta ng pagmamahal ay garantiya ng pagkakaroon ng kaligayahan at kasiyahan.