Academic Affairs Dean sa Bin Jiang Elementary School Tsai Chao-Hsien
Ang bawat pamilya ay may sariling problema. Ang may magkakaibang background sa buhay ay may magkakaibang suliranin sa pagpapatatag ng pamilya. Maiisip rin natin ang mga hirap sa pagtatag ng pamilya para sa mga bagong imigrante mula sa iba’t ibang bansa. Tulad ng kasabihan, “Hindi namin kayang maging manugang ninyo.”Tutoong isang mahirap na paksa ang kalagayan ng bagong imigrante sa pamilyang may ibang kultura at bansa.
Ang mga bagong imigrante mula sa Timog-Silangang Asya, kapag nakapag-asawa rito sa pagpapakilala ng mga ahensya, madalas trabahong bahay o pangangalaga sa bata’t matanda sa bahay ang tanging trabahong pinapagawa sa loob ng bahay, mababa ang lugar sa pamilya at hindi maaaring gumawa ng sariling desisyon. May pagkukulang sa pangangalaga at pagpapalaki ng bagong imigrante sa bata sa ganitong pamilya at malubhang nakakaapekto sa normal na pagkakatao ng bata. Sa paaralan, natuklasan namin na pangkaraniwang mahina ang loob, duwag, hindi mainam ang kakayanan sa pag-aaral, tahimik at kakaunti ang salita ng mga batang lumaki sa ganyang uri ng pamilya.
Sa paggagabay sa mga pamilya ng bagong imigrante, may isang nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin. Humahanga ako sa kanyang wasto at tamang pag-iisip at masigasig na ugali. Maaaring magbigay ito ng magandang halimbawa sa ibang pamilya. Ang bagong imigranteng ito ay nagmula sa Vietnam. Dati siyang nagtrabaho rito sa Taiwan bilang isang kasambahay. Napansin ng kapitbahay na siya ay masipag at maliksi kaya’t ipinakilala sa sariling anak at naging kanyang manugang, isang bagong imigrante rito sa Taiwan. Nang siya ay bagong kasal, tutoong ginawa siyang katulong sa bahay, tagapaglinis, tagapagluto, tagapag-alaga ng biyenang maysakit at inalagaan rin ang hipag na may sakit. Higit na mahirap ang buhay niya rito. Ngunit hinarap ito ng bagong imigrante, positibong pag-iisip at pagsisikap. Makaraan ang madaming taon, pinaniwalaan siya ng kanyang biyenan na babae at ng hipag. Bago namatay ang kanyang biyenan na babae, ibinilin sa kanya ang karapatan sa salapi. Makikitang bumunga ang kanyang mga pagtitiis, masasabing nasa huli ang tamis ng bunga. Inalagaan niyang mabuti ang maysakit na hipag at asawa, kumain ng gamot sa takdang oras, dalhin sa pagamutan, hanggang gumaling ang sakit. Malinis ang buong bahay, sumali siya sa boluntaryong serbisyo sa paaralan, naging kumakatawan, nag-aral, sumali sa paghahatid ng pagkain sa mga matatandang nag-iisa. Nakakapaghanga ang kanyang mga ginawa.
Makikita sa mga anak niya ang pagkakaroon ng tiwala at masigasig na nais mag-aral, tumatanggap ng magkakaibang pagsusubok at pasraranas, masayang tinatanggap ng mga kasama. Inaakala kong dahil sa pag-uugali ng bagong imigranteng ina, nakikita ng mga anak ang positibong impluwensya sa salita at sa kilos ng ina. Kaya saan at sino ka man, dapat maging positibo at masigasig upang manaig at magtagumpay.