Isinulat ni: Zhang Shousong, Adjunct Assistant Professor, National Aeronautical University
Muling simula ng isang bagong taon, dapat natin pasyahan na pagsikapan sa mahabang panahon ang bagong layunin na itinakda sa bagong taon. Magkaroon ng paghihimok sa sarili. Isagawa ang “mag-aral at mabuhay”, “maging aral ang pagbubuhay” at “mabuhay nang may pangarap”.
Una, ang pag-aaral ay isa sa pinakamahalagang gawain ng mag-aaral. Dapat gumawa ng sapat na paghahanda bago magsimulang mag-aral, dapat may nais na matuto tuwing nag-aaral at dapat lubos na maunawaan pagkatapos ng pag-aaral. Mag-aral at matuto sa anumang oras, lugar at bagay. Ang “mag-aral at mabuhay” ay garantiya ng iyong tagumpay.
Kasunod dito, bukod sa pag-aaral sa silid-aralan, may pag-aaral sa buhay. Gawin na isang malaking aklat ang lahat ng nagpapaligid sa iyong buhay at pag-aralan nang mabuti. Gawin na isang tanong sa pagsusuri ang lahat ng suliraning nasasalubong sa iyong buhay at lutasin nang mabuti. “Maging aral ang pagbubuhay” ang simula ng iyong kasiyahan at kaligayahan.
Simula ngayon, itakda ang iyong layunin at adhikain. Gumawa ng plano sa pagpapatupad nito at isa-isang gawin ayon sa plano, isa-isang tapusin at hindi dapat tumigil. “Mabuhay nang may pangarap” ang pinagmumulan ng iyong buhay.
Madaming kuwento ng pagsisikap at tagumpay ng mga anak ng bagong imigrante sa buong mundo. Tulad ng anak ng isang ama, may kulay itim na balat na taga-Kenya at isang ina, isang puti mula sa Kansas. Ang anak na ito ay si Obama, nanumpa sa harapan ng gusaling kapitolyo, itinayo ng mga itim na manggagawang alipin at si Obama ay naging ika-44 na pangulo ng Estados Unidos noong Enero 2009. Napanood ng buong mundo ang makasaysayan na sandaling ito. Ipinahihiwatig nitong halimbawa ni Obama, basta’t may pagsusumikap, may pagkakataon na maging pangulo ang mga anak ng bagong imigrante.
Sa bawat kabataan at pangalawang henerasyon ng bagong imigrante, hinahangad na magsumikap at mag-aral kayong lahat. Patuloy na pagsisikap, ipatupad ang layunin na itinakda sa bagong taon. Ipagpatuloy bawat taon at ipunin ito, magkakatotoo ang iyong pangarap.