Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Sarili at Kusang Pag-aaral sa Bakasyon sa Taglamig

Guting Junior High School Director Wang Phei-Ling


    Para sa mga magulang na bagong imigrante: Isang mahalagang paksa ang pagsasanay ng mga batang pangalawang henerasyon ng bagong imigrante na kusa at malayang makapag-aral sa bakasyon sa panahong taglamig. Sa makabagong lipunan ngayon, maaaring ipatupad ng mga anak ang kusang pag-aaral sa pamamagitan ng madaming magkakaibang paraan. Hindi lamang ito makakatulong sa pag-unlad ng kanilang pag-aaral, makakatulong din ito sa pagpapahusay ng kakayahang mag-aral nang mag-isa at kakayahang lumutas ng suliranin. Kasama ng pagdating ng bakasyon, inaalala ng madaming magulang kung paano ilinang ang kusang pag-aaral ng mga anak ng bagong imigrante. Sa multikulturang lipunan ngayon, hinaharap ng mga anak ng bagong imigrante ang stress mula sa pag-aaral at sa pakikisama at pagsasanay sa lipunan, kung kaya dapat natin silang bigyan ng mas madami pang suporta at paghihikayat upang matutunan nilang ilinang ang sariling kakayahang mag-aral sa panahon ng bakasyon.


    Una, mungkahi sa magulang na ihikayat sa anak ang pagbasa ng iba’t ibang uri ng aklat sa paraang pagtakda ng oras sa pagbabasa upang mailinang nila ang kagawian at kagustuhang magbasa sa gitna ng maraming ginagawa tuwing bakasyon. Bukod dito, maaaring samahan ng magulang ang anak sa pagsali sa mga aktibidad sa komunidad tulad ng boluntaryong serbisyo o pumunta sa museo at iba pa, magpalawak ng pananaw at madagdagan ang karanasan sa pakikihalubilo sa komunidad.


    Bukod dito, maaaring ihikayat sa anak ang pag-aaral ng kasanayan sa teknolohiya tulad ng programming, pagguhit sa kompyuter at iba pa. Sa panahong digital ngayon, mahalaga ang mga kakayahang ito sa pag-unlad ng kinabukasan ng anak. Kasabay nito, dapat din bigyan ng mga magulang ang kanilang mga anak ng isang tiyak na antas ng sariling oras sa paggalugad, upang matuto sila at lumago sa pamamagitan ng sariling pagtuklas at pagsusubok.


    Sumusunod ang ilang mungkahi sa paglinang ng kusa at malayang pag-aaral ng mga batang pangalawang henerasyon ng bagong imigrante sa bakasyon sa panahong taglamig:

1. Ihikayat magbasa: Isang napakahalagang paraan ng malayang pag-aaral at magpapayaman sa kaalaman ng bata ang pagbabasa. Maaaring magbigay ang magulang ng iba't ibang mga aklat, kabilang ang storybook, mga aklat sa agham, nobela at iba pa upang magtamo ng kasiyahan at kaalaman ang bata mula sa pagbabasa.


2. Sumali sa mga aktibidad sa komunidad: Sa panahon ng bakasyon, nagsasagawa ng madaming magkakaibang aktibidad ang mga sosyal grupo sa komunidad tulad ng pag-aaral sa gawaing-kamay, pagluluto, sining at iba pa. Ihikayat ng magulang sa anak na sumali sa ganitong mga aktibidad upang mailinang ang interes at kakayahan sa pag-aaral.


3. Mag-aral ng kasanayan sa teknolohiya: Sa makabagong lipunan ngayon, labis na mahalaga ang kasanayan sa teknolohiya. Maaaring ihikayat sa anak ang pag-aaral ng pagdisenyo sa programming sa kompyuter, kaligtasan sa internet at iba pang kasanayan. Ang mga kakayahang ito ay magkakaroon ng labis na tulong sa kanilang hinaharap.


4. Kusa at malayang paghahanap ng sagot: Ihikayat ang anak na magkaroon ng kaalaman sa paraang maghanap ng sariling sagot. Halimbawa, maaaring magbigay ng mga gamit sa pagsusubok, isagawa ang eksperimento nang mag-isa at magkamit ng kaalaman at karanasan sa kalagitnaan nito.


5. May inter-aksyon sa ibang miyembro ng pamilya: Labis na mahalaga ang panahong magkakasama ang pamilya tuwing bakasyon. Maaaring magkasama ang magulang at anak sa pagbabasa, paglalaro, pagluluto at iba pang aktibidad upang matuto, masanay at lumaki ang bata sa inter-aksyon sa mga kasama sa pamilya.


Sa Lungsod ng Taipei, itinutulak ng Kagawaran ng Edukasyon ang 2.0 Pagpapaliwanag sa Sarili at Kusang Pag-aaral sa paghahangad na gumawa ang mag-aaral ng sariling pasya sa pagplano at pag-aaral, maiugnay sa buhay. Mula sa pag-aaral hanggang sa pagbabahagi, magamit ang panahon tuwing bakasyon sa pagsasanay, linangin ang kakayahan ng mag-aaral sa malayang pag-aaral. Sa karagdagan pa, hinihimok ng ilang mga paaralan ang mag-aaral na magtakda ng sariling plano sa pag-aaral tuwing bakasyon sa taglamig at sa tag-init, at ibahagi ang pagsasagawa at bunga nito sa pasukan sa paaralan.


Sa pagpapatupad ng planong sariling pag-aaral sa bakasyon sa panahong taglamig, maaaring isagawa ng mag-aaral ang pagpili ng kaugnay na paksa ayon sa sarili niyang hilig at kakayahan o gumawa ng pagsasanay sa isang paksa, kabilang ang sining, palaro, pag-aakda, gawaing-bahay, agham at iba pa. Maaaring gawin mag-isa at maaari rin ipatupad sa pagtutulong ng mga iba pang kamag-aral.


Naririto ang tatlong mahalagang impormasyon na maaaring pagsanggunian:

1. Kaugnay na nilalaman sa opisyal website ng Kagawaran ng Edukasyon sa Lungsod ng Taipei, nagbibigay ng paliwanag sa Kusang Pag-aaral 2.0 at kaugnay na impormasyon at plano sa paglilinang ng kakayahang sariling pagsasanay ng mag-aaral.


2. Isang halimbawa ng plano sa sariling pag-aaral sa bakasyon, naglalaman ng pagplaplano sa sarili at kusang pag-aaral ng mag-aaral na maaaring pagsanggunian ng mag-aaral sa paggawa ng sariling plano.

3. Isang ulat na nagpapakilala ng sariling pag-aaral tuwing bakasyon sa taglamig at sa tag-init na isinasagawa ng Mingchuan Elementary School sa madami nang taon. Maaaring gawin itong sanggunian sa planong sariling pag-aaral na ginagawa ng paaralan at nagbibigay ng mga totoong nangyaring sitwasyon sa pagpapatupad at epekto.

Ang mga impormasyon sa itaas ay maaaring magbigay ng tulong sa paggabay at sanggunian sa mga mag-aaral, magulang at mga nasa larangang edukasyon, at makakatulong sa pagtutulak at pagpapatupad ng proyektong sariling pag-aaral.


Sanggunian:

1. Opisyal website ng Kagawaran ng Edukasyon sa Lungsod ng Taipei -https://www.doe.gov.taipei/News_Content.aspx?n=B3DDF0458F0FFC11&s=9AC12154C493FDBA 


2. Halimbawa ng plano sa kusa at sariling pag-aaral sa bakasyon sa taglamig - https://classweb.klps.tp.edu.tw/108/up_files/dl/109六下寒假自主學習計畫-601 .pdf 


3.Halimbawa ng sariling pag-aaral sa Minchuan Elementary School -https://www.gov.taipei/News_Content.aspx?n=F0DDAF49B89E9413&sms=72544237BBE4C5F6&s=5B4C1AB955F30702 


Sa kabuuan, isang panglahatan at matagalan na misyon ang paglilinang ng sariling pag-aaral ng mga anak ng bagong imigrante sa bakasyon sa panahong taglamig. Dapat natin bigyan ng sapat na pagmamahal at paggabay ang mga pangalawang henerasyong imigrante upang lumaki at tumayog sila sa sarili nilang pagsasanay.


    Maligayang Bagong Taon sa lahat ng mga magulang at anak! Dumating ang lahat ng suwerte sa Taon ng Dragon ~~