Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Likas na Matalino Basta Nailagay sa Tamang Lugar

Isinulat ni: Zhang Shousong, Adjunct Assistant Professor, National Aeronautical University


    Madalas natin makita: “Nais mag-aral ng senior vocational ang anak pagka-gradweyt mula sa junior high school ngunit ipagpipilit ng magulang na piliin ang senior high school”; “Hindi interesado ang anak sa asignaturang akademiko ngunit ipagpipilit ng magulang na pumasok ang anak sa cram school”; “Gusto ng anak ang wika, musika, edukasyong pangkalusugan, mekanikal makina ngunit inaakala ng magulang na mas mahalaga ang aritmetika, chemistry at physics” at inaakalang “Mas matalino at mahusay ang batang magaling sa aritmetika kaysa sa batang magaling sa geograpiya”; “Mas sulit ang kahusayan sa Ingles kaysa kakayahan sa sining”. Ganoon nga ba talaga?


    Pangkalahatang babalik ang mga sagot sa itaas sa isang mahalagang konsepto na “hindi nailagay sa tamang lugar”. Inilagay sa maling lugar ang likas na talento ng anak. Maiintindihan natin ang pag-aalala ng magulang sa pagpapatuloy ng pag-aaral at sa kinabukasan ng anak ngunit sa kabila nito ang sakit, hirap at pagpipiglas ng anak!



    Iminungkahi ng Harvard University psychologist H. Gardner (1983) ang “Multiple Intelligence”. Kabilang sa katalinuhan ng tao ang 8 bahagi – wika, pangangatwiran – aritmetika, espasyo, musika, katawan, ugnayan, pag-iisip at natural na paggagalugad.


    Sa pag-unlad ng katalinuhan ng bata, tiyak na magkakaroon ng walong bahagi ng katalinuhan, may mahusay at may mas mahina. Sa mga minamahal na magulang, kung nais ninyong maging masaya at mabisa ang pag-aaral ng anak, dapat gabayan ang bata ayon sa kahusayan at katalinuhan ng bata at bigyan ng pagtitiwala sa sarili.


    Kapag pinapahalagahan lamang ng magulang ang pagsasanay ng anak sa wika o aritmetika, ang batang may talino sa musika, pisikal edukasyon, sayaw at sining ay hindi magtatamo ng nararapat na paggabay at paninindigan! Hindi lamang ang bata ang magraranas ng pagkawalang-tiwala, pati na rin ang magulang ay makakadama ng pagkabigo.


    Sa kasalukuyang lipunan, may nagtatagumpay sa bawat propesyon. Matalino at henyo kapag nailagay sa tamang lugar at mahirap pilitin magkaroon ng magtatagumpay kapag nailagay sa hindi tamang lugar at maaaring walang kahit anuman. Kapag natagpuan ang natatanging lugar para sa sarili—advantage intelligence, ito na ang pinakamaganda at pinakamasuwerte sa buhay.


    Ang magulang ay umaasang matulungan ang anak sa paghahanap ng sariling kagalingan at mapaunlad ang sarili. Tama na pinagsisikapan at pananagutan ng bawat magulang ang hanapin ang advantage intelligence at itaguyod ang kalinawan nito. Magiging masaya, magkakaroon ng interes ang anak at liliwanag ang buhay. Ang suporta ng magulang sa anak ay magpaparamdam ng pagtanggap ng anak at lubusang ililinang ang kanyang kakayahan.


   Sa mga minamahal na magulang, matalino ang bawat isang bata. Pahalagahan ang kanyang talento, bigyan siya ng pagkakataong tumanghal. Inaasahan namin na makatulong ang mga magulang sa paglilinang sa advantage intelligence ng bata upang maging malinaw at magkaroon ng tiwala at pagpapahalaga sa sarili ang bata at sumulong sa kahusayan.