Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

  Ang Summer Camp para sa Bagong Imigranteng Mag-anak na isinagawa ng Opisina ng Distrito ng Songshan ngayong taon ay napuno ng kasiyahan, pag-aaral at nakakaantig sa damdamin. Mga pamilya ng bagong imigranteng nagmula sa magkakaibang kulturang background, nagkasama-sama at sa pamamagitan ng isang seryales ng makulay at masaganang aktibidades, hindi lamang lumalim ang damdamin sa pagitan ng mag-anak, at ang bawat isang bata ay maaaring lumaki at tumayog sa ganitong multikulturang kapaligiran.


  Kasama sa dalawang araw na summer camp ang: “Pagkulay ng Tela”, gamit ang likas na halaman sa paglikha ng kaisa-isa at walang kaparehong kinulayan na tela. “Zentangle”, magamit ng bata ang dalawang kamay at kakayanang lumikha nang walang hangganan. “Larong Mag-anak”, nadagdagan ang pagkakasundo ng mag-anak sa pagtatakbo at pagtatalon. “Pagbabasa ng Kuwento sa Aklat”, pagbabahagi ng kuwento, nadagdagan ang pag-uunawa at paggalang sa isa’t isa. At sa “Paggawa ng Sombrero”, matanda man o bata, lumikha at pinalamutian ang sariling sombrero.


  Maraming salamat sa lahat ng sumaling pamilya ng bagong imigrante. Ating nasaksihan ang paglaki ng mga bata at naging saksi rin sa pagbuklod at kagandahan ng iba’t ibang kultura.