Ang Internasyonal Pista ng Sining sa Edinburgh ay ginaganap sa Edinburgh, kapitolyo ng Scotland tuwing buwan ng Agosto sa bawat taon. Unang isinagawa noong 1947, isa ito sa pinakamatanda at pinakamalaking internasyonal pistang pangsining sa mundo. Sakop sa mga aktibidad sa panahon na tatlong linggo ng pagtatanghalang opera, musika, drama, sayaw at iba pang uri ng sining. Ang ideya sa unang pagtatag nitong pista sa sining ay “upang magbigay ng entablado sa masaganang sining sa panahon na iyon”at napili ang Edinburgh bilang lugar ng pagganap ng pista. Sa simula, musika ang pangunahing ipinagdiriwang. Sa huli, naging mahalagang bagay rin ang sayaw at drama.
Ang pagplaplano ng Internasyonal Pista ng Sining sa Edinburgh ay nagmula sa manager ng Glyndebourne Opera sa England. Pagkaraan ng Pangalawang Digmaan, halos natigil ang mga aktibidad sa pagtatanghal at opera dahil sa depresyon sa ekonomiya at kakulangan ng pera kaya naisip niyang magsagawa ng isang pagdiriwang sa musika upang magkaroon ng pagtatanghal at pagkakataong pumasok ang pera. Sa simula, nais niyang isagawa ang aktibidad sa Oxford ngunit hindi natuloy dahil sa kakulangan ng pondo. Iminungkahi ng kaibigan na isagawa ang pagdiriwang sa Edinburgh. Sa panahon na iyon, walang nadulot na pinsala ang digmaan sa Edinburgh. Bukod sa may sapat na lugar para sa pagtatanghal at sa mga taong dadalo, mayroon pang malalaking kastilyo at magandang likas na tanawin, makakapag-akit ng mga bisitang dumalo sa pagdiriwang. Makaraan ang 3 taon na paghahanda, sa kalaunan isinagawa ang unang Internasyonal Pista ng Sining sa Edinburgh sa taon 1947.