Naulan araw-araw sa Taiwan kamakailan at naalala ko ang panahon ng tag-ulan sa Thailand. May kakaibang pista tuwing tag-ulan sa Thailand. Tinatawag itong “Khao Phansa” o Buddhist Lent Day, at tinatawag din na “Pista ng Kandila”. Sa pistang ito, pangunahing aktibidad ang pagdadala ng kandila sa mga mongha sa templo. Sa unang panahon, wala pang koryente at ilaw, kailangan ng mongha ang kandila sa pagdadasal tuwing gabi ngunit dahil tag-ulan at hindi nakakalabas ang mongha, nagdadala ng kandila sa templo ang mga tao upang may magamit ang mga mongha. Sa katagalan, ito ay naging isang kaugalian.
Tuwing Pista ng Khao Phansa, umuuwi sa sariling probinsya ang madaming taong taga-Thailand. Naalala ko nang nasa Thailand pa ako, masaya ang bahay tuwing Pista ng Khao Phansa sa bawat taon. Nagdadatingan ang mga kamag-anak at kaibigan. Maghahanda ang aking lola ng madaming pagkain at ibibigay sa mga mongha sa templo at ibabahagi rin sa mga kamag-anak. Isang espesyal na luto ni Lola ang sabaw na curry sa karneng baboy. Iba ang lutong ito sa pangkaraniwang curry. May halong katas ng sampalok, luya, tuyong sili, pulang sibuyas, tanglad at iba pa kaya may tatlong panlasa tuwing ito ay titikman, may maasim, maalat at maanghang!
Matapos ihanda ang sabaw ng curry na may baboy at iba pang mga pagkain sa Pista ng Khao Phansa, magkakasama kaming lahat na pumunta sa templo. Sa templo, naramdaman ko ang tahimik at saya dahil pagkakataon ito para makasama ang matagal nang hindi nakikitang pamilya at mga kaibigan. Magkakasamang nakikinig at nagdadasal, nagkukuwentuhan. Sa probinsya namin, maraming tao ang nagtratrabaho sa ibang lugar, nakakauwi lamang tuwing may pista at araw ng pahinga. Para sa akin, hindi lamang kakaibang pista sa Thailand ang Pista ng Khao Phansa, ito na rin ang Pista ng Magkakamag-anak (tuwa) !