Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ang Aking Bagong Taon sa Mexico May-akda: Bagong imigrante mula Mexico / Lo Lei Jieh

May-akda: Bagong imigrante mula Mexico / Lo Lei Jieh

 
Mula sa Damdamin ng Bagong Imigrante


Isa akong football coach mula sa Mexico, nakapagturo ng paglalaro ng football sa Taipei nang maraming taon. Ikinagagalak kong maranasan ang kultura ng Taiwan kasama ang pamilya, ang tradisyonal na kultura ng pagdaraos ng Bagong Taon sa Taiwan at ang inter-aksyon sa pamilya ng aking mga mag-aaral. Mahalaga ang kasiyahan at kagalakan sa pamilya sa Taiwan tuwing Bagong Taon. Ganoon din sa Mexico ngunit mayroon pa ring kaunting kaibahan sa Taiwan.
 
     Ang mga tao sa bawat lupain sa buong daigdig, ay may kani-kanilang kakaibang tradisyon sa pagtapos ng nakaraang taon at pagsalubong sa Bagong Taon. Sa Mexico, kumakain kami ng “ubas na sinasabayan ng paggawa ng nais”sa pagsalubong sa Bagong Taon. Sa pagsapit ng tunog ng orasan sa hatinggabi, ang bawat isa ay mag-uubos ng 12 ubas sa loob ng isang minuto. Ang bawat isang ubas ay kumakatawan sa ninanais sa bawat isang buwan, ipinagdadasal na maging masuwerte at maging maayos ang lahat sa bawat isang buwan mula Enero hanggang sa katapusan ng taon. Bukod rito, ang kulay ng suot na underwear sa Bagong Taon ay makakapagpasya sa kapalaran sa darating na taon. Sa pagtunog ng kampana sa Bagong Taon, pulang underwear ang isusuot ng mga naghahanap ng katuwang sa pag-ibig, samantalang dilaw na underwear ang isusuot ng taong may nais na yumaman.
 

Sa panahon ng Bagong Taon, ipinagdiriwang ito ng bawat pamilya upang maipahayag ang kasiyahan sa unang araw ng bagong taon. Niyayaya namin ang mga kaibigan at kamag-anak sa bahay at magkasamang sumalubong sa Bagong Taon. Aming inihahanda ang masarap na pagkain ng Mexico – burrito na may kasamang sili, at masasayang magkakasamang nagkukuwentuhan at nagsasayawan; o pumupunta sa plaza ng lungsod at sumali sa pagdiriwang sa kalsada, magkakasamang nagbibilang ng countdown sa pagsalubong sa Bagong Taon (tingnan ang Larawan 1 at 2).
 
     
     Isinasagawa sa Lungsod ng Mexico ang pinakamalaking pampublikong pagdiriwang bawat taon. Ginaganap doon ang malaking pista ng sining sa kalsada. Isinasagawa sa kapaligiran ng sentrong plaza ng lungsod ang mga aktibidad. May ingay ng mga paputok at mga sigaw ng katuwaan ng tao. Walang pinag-iibang tao, magkasama ang lahat sa pagsasayaw at pagdiriwang, pagbabati sa bawat isa upang magkaroon ng isang magandang bagong taon.
 
    
     Sa simula ng Bagong Taon, nasa Taipei ka man o nasa Mexico, ating kalimutan ang mga problema, kalungkutan at mga hindi masasayang bagay. Humarap tayo papuntang kaligayahan!
 
Mula sa Damdamin ng Bagong Imigrante