Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ang Pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas May-akda: Meili Lu (Bagong imigrante mula sa Pilipinas)

Mula sa buwan ng Setyembre pa lamang, unti-unting nararamdaman ang Kapaskuhan sa kapaligiran sa Pilipinas. Nagsisimulang magkabit ng mga dekorasyong Pamasko sa mga tindahan at naghahanda sa pagdiriwang ng Pasko. Subalit ipinagdiriwang ang Pasko sa halos lahat ng bansa sa buong mundo, ngunit pinakamahaba ang selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas. May 9 na araw ng pamisa sa simbahan at nagsisimulang pumunta ang mga Katoliko sa misa bago mag-Araw ng Pasko. Bago dumating ang Pasko, pinaghahandaan kong mabuti at ng aking pamilya. Pinag-iisipan kung ano ang mga ihahanda, gaano karaming pagkain ang lulutuin, at mga ihahandang regalo para sa mga kamag-anak at mga kaibigan.

 

Pagsapit ng Pasko, nagsisiuwian ang mga kamag-anak at kaibigan na nakatira sa ibang lugar. Pumupunta sa mga bahay-bahay ang mga bata at kumakanta ng mga awiting Pamasko. Kapalit nito ang perang maiipon nila at magagamit tuwing Pasko. Sa Pilipinas, ang kahalagahan ng Pasko ay makasama ang buong pamilya. Nagtitipon at nagsasalo ang mga magkakaibigan at kapitbahay, kumakanta ng awiting Pasko, nagpapalitan ng regalo nang tulad ni Santa Claus na mapagbigay sa kapwa. Naliligo sa kasiyahan ang matatanda at bata dahil nagsiuwian ang kanilang mga magulang at magkakapatid!

 

Bisperas ng Pasko sa Disyembre 24, napupuno ng kasiyahan ang kapaligiran. Madaming tao ang dadalo sa misa sa simbahan. Ito na rin ang huling misa sa magkakasunod na 9 na araw ng Simbang Gabi. Upang mapawi ang gutom at uhaw ng lahat pagkatapos ng misa, may handang mainit na tsokolate, salabat at puto bumbong sa mga tindahan sa labas ng simbahan. Ang puto bumbong ay pagkaing Pamasko, ito ay bibingka na isinisiksik sa loob ng kawayan at niluluto sa ibabaw ng uling. Napakasarap!

 

Pag-uwi sa bahay, pagdating ng alas-12 ng hatinggabi, nagbabatian ang lahat ng “Maligayang Pasko”at magbubukas ng mga regalong nakalagay sa ilalim ng Christmas tree. Matapos tanggapin ang mga sorpresang dala ni Santa Claus, kakain na ang lahat ng tao sa hapag-kainan. Punong-puno ang mesa, may spaghetti, lumpia, pansit, salad, lechon. Pagkatapos, ipinamimigay namin ang sobrang pagkain sa mga kapitbahay. Hindi lamang kami ang nakibahagi, binibigyan din namin ng halaga ang ibang tao. Sa Pilipinas, masaya kaming nagbabahagi at nagbibigay dahil pinapahalagahan namin ang mga taong nasa paligid namin!

Simbang gabi, mga Paskong palamuti sa kalsada, puto bumbong at bibingka

Simbang gabi, mga Paskong palamuti sa kalsada, puto bumbong at bibingka

Salu-salo sa pamilya, masaganang handaan tuwing Pasko

Salu-salo sa pamilya, masaganang handaan tuwing Pasko