May-akda: Bagong imigrante mula Malaysia / Huang Pao Yun
Sa simula nang ikinasal ako at tumira rito sa Taiwan, nagtrabaho ako sa English cram school at sa kindergarten. Doon ang simula kung saan ako napasama sa lipunan ng Taiwan. Malalim kong naramdaman ang pangkaraniwang pagbibigay ng pansin ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak at pagbibigay ng halaga sa pag-aaral ng wikang Ingles. Doon ko rin nalaman sa kasama kong tagadayuhang guro na maaaring maging masaya at maraming paraan ang magagamit sa pagtuturo ng wika. Sa pagtanggap ng training sa pagtuturo ng mga bata, nalaman ko na ang pagpapalaki sa anak ng sariling ina ang pinakamatibay na pundasyon sa pagtaguyod ng seguridad na damdamin sa anak, pagbigay ng imaheng malusog at tamang pagpapahalaga sa sarili. Ito rin ang nagpatibay sa pasya kong manatili sa bahay, alagaan at palakihin nang sarili ang aking mga anak.
Subalit may mga sandaling nakakabagot at nakakainis sa pangangalaga sa mga anak ngunit marami rin akong natamong kasiyahan at pakiramdam ng pagpapatupad sa pagpapalaki sa kanila. Sa matagal na panahon na pag-aasikaso sa bata’t matanda sa bahay, hindi rin maiwasan ang pagbabalik-isip sa trabahong dating ginawa at ang pag-alala sa kabuhayan sa darating na panahon, kaya nagsimulang magplano at kumilos ukol sa patuloy na pag-aaral. Una ang pagsasagawa ng book review sa mga nanay sa bahay, ang pakikipagbahagi ng kaalaman sa pagluluto at mga gawaing kamay upang magkaroon ng pagkakataong makipaghalubilo at matuto mula sa ibang tao. Naging boluntaryo rin akong nagsasalaysay ng kuwento sa mga mag-aaral sa paaralan, sumali sa marriage counseling class, nag-aral ng ukol sa pagtanda ng tao, pagpapayo at iba pang kaugnay na kursong pag-aaral. Kumuha rin ako ng sertipikasyon sa pag-aaral ng pagluluto at baking, at magbigay-gabay sa buhay at spiritual growth ng mga kabataan sa simbahan tuwing araw ng Linggo. Ito na rin ang mga nagpalawak sa saklaw ng aking kakayahan.
Madaming pagbabago sa lipunan sa 30 taon na naririto ako sa Taiwan. Unti-unting dumadami ang bilang ng mga imigrante. Naimpluwensiyahan ng trend ng buong mundo ang ating kapaligiran, paraan ng pamumuhay at ang pagbibigay ng halaga, mula sa iisang kultura ng lahing Intsik at napapalitan ng maraming uri. Unti-unting lumaki at nakakapag-isa ang mga bata, muli akong bumalik sa trabaho, naging tagapagsalin para sa mga imigrante at sumali sa pagtuturo ng wikang Malay sa proyekto ng Southbound Policy sa nais na maibalik bilang kontribusyon sa lipunan ang lahat ng natutunan sa sariling bansa o rito man sa Taiwan.