Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Pista ng Patay sa Kampuchea Ulat: Sun Ya-Wen / Bagong imigrante mula Kampuchea

May tatlong malaking pista sa loob ng isang taon sa Kampuchea – Bagong Taon, Pista ng Patay at Pista ng Tubig (Water Festival). Aking ibabahagi sa lahat ngayon ang ukol sa Pista ng Patay. Madaming tao sa Kampuchea ang nanampalataya sa relihiyong Buddhismo. Sa Agosto 16 – 30 ng kalendaryong Budhismo sa Kampuchea ang Pista ng Patay, 15 araw lahat. Sa loob ng 15 araw, pumupunta kami at nagdadasal sa magkakaibang templo. Pinakamabuti ang makapunta sa 7 templo upang hindi dahil sa hindi kami matagpuan ng mga kamag-anak na sumakabilang-buhay at walang matanggap na alay.


    Sa unang araw ng Pista ng Patay, ginaganap ang seremonyang pagbukas ng pintuan sa gabi ng Agosto 15. Magdadasal sa templo sa panahong pinakamalaki, pinakamaliwanag at pinakamaganda ang buwan; ipagdasal sa Diyos sa langit at Diyos sa lupa na buksan ang pintuan upang makabalik ang aming mga ninuno at mapakinabangan ang handog naming alay. Pangkaraniwan, ihahanda namin ang mga gamit na madalas gamitin ng yumaong kamag-anak, mga pagkain at prutas na gusto niyang kainin noong buhay pa siya. Ang pagkakaiba rito, hindi namin inuuwi ang mga alay kundi iniiwan at ibinibigay sa mga monghe sa templo. Pagdadasalan kami ng mga monghe at bibigyan ng pagpapala.

  
    Sa loob ng 15 araw ng Pista ng Patay, nakabukas ang templo nang 24 oras. Magkakaiba ang seremonyang ginagawa tuwing araw at gabi. Para sa mga yumaong kamag-anak ang seremonyang ginagawa sa araw. Dahil may diyos na nagbabantay sa pintuan ng templo at kapag tinawag namin ang pangalan ng yumaong kamag-anak, maaaring pumasok sa templo ang kanyang kaluluwa at makipagbahagi sa mga alay. Sa gabi gagawin ang ibang seremonya para sa mga kaluluwang hindi natawag ang pangalan upang makapasok din sila sa loob ng templo.


    Ano naman ang mga seremonya sa Pista ng Patay? Una, hinahanda ang almusal na inaalay sa mga monghe bago alas-7 ng umaga upang makakain sila ng almusal sa eksaktong alas-7 ng umaga. Muli kaming maghahanda ng kanin at ulam alas-9 ng umaga upang dalhin ng aming magulang sa mga monghe. Sa kalagitnaan nito, walang tigil ang pagdadasal ng mga monghe at hindi rin kami tumitigil sa pagtawag ng pangalan ng mga yumaong kamag-anak upang kunin nila ang mga alay na pagkain at kagamitan. Magpapatuloy ang seremonya hanggang alas-11 ng umaga at kakain ng tanghalian ang mga monghe sa eksaktong 11 ng umaga.


    Matapos kumain ng tanghalian hanggang 4 o 5 ng hapon, magsisimula kaming maghanda para sa seremonya sa gabi. Ang seremonya sa gabi ay isinasagawa para sa mga naglalagalag na kaluluwa. Magkatulad rin na maghahanda ng pagkain at ibibigay sa monghe, magdadasal at magbibigay ng pagpapala ang monghe, magdadasal hanggang alas-7 ng gabi. Ang lahat ng tao sa bayan ay may hawak na pagkain at sasama sa monghe sa paglibot sa labas ng templo. Patuloy ang pagdarasal ng monghe, kasama kami sa likod niya na nagdarasal rin at ilalagay ang mga pagkain sa labas ng templo. Pagkatapos ng seremonya, babalik kami sa loob ng templo, ikakanta ng monghe ang mga dasal at pagbabasbas. May bahagi ng taong uuwi at magpapahinga at maiiwan ang iba upang ipagpatuloy ang pagdadasal hanggang sa umaga. Maririnig sa buong nayon ang dasal at mga tunog mula sa templo, lubos na napakasaya! Inaanyaya ang lahat na magkaroon ng pagkakataon, mamasyal sa Kampuchea at maranasan ang kakaibang kultura ng pagbibigay-alaala sa mga ninuno.

Mga alay na pagkain at kagamitan

Litrato ng mga kababaihan sa harapan ng templo, may handang pagkain at suot ang kanilang tradisyonal na kasuotan sa Kampuchea