Inaakala ng mga tao sa Taiwan na tag-init lamang ang mayroon sa Thailand. Sa tutoo lang, may 3 uri ng panahon sa loob ng isang taon sa Thailand: tag-init, panahon na mas malamig nang kaunti at tag-ulan, at kadalasan buwan ng Abril ang pinakamainit na panahon sa loob ng isang taon. May mahalagang pambansang pagdiriwang sa buwan ng Abril na pinagsasabikan ng lahat ng tao mula sa Thailand (kasama na ang mga nakatira sa ibang bansa), makauwi sa sariling bayan at makasama ang pamilya sa araw na ito. Ito ang kilalang Bagong Taon ng Thailand at tinatawag ding “Songkran Festival”. Bawat taon, nakakapag-akit ito ng maraming dayuhan na sumasali sa pagdiriwang.
Ayon sa opisyal na kalendaryo sa Thailand, ginaganap ang Songkran Festival tuwing Abril 13-15 ng bawat taon. Sa panahong ito, nagpapahinga ang lahat ng mga opisina sa pamahalaan at mga tindahan. Ang mga mamamayan ay umuuwi sa kanilang mga bayan upang makasama ang buong pamilya. Hindi rin ako naiiba noong panahon na nakatira pa ako sa Thailand, umuuwi at kasama ang aking pamilya sa mahabang bakasyon. Kadalasan, kasama ko ang aking pamilya na pumupunta sa templo sa kinaumagahan ng Abril 13, iniaalay ang mga nakahandang pagkain at kagamitan sa mongha. Ginaganap din sa loob ng templo minsan sa isang taon, ang paggamit ng malinis na tubig upang mahugasan ang pigura ng mga diyos. Naalala ko nang pauwi ako noon, basa ang aking katawan dahil sa pagsasaboy ng tubig ng mga taong nagsisiksikan sa tabi ng daan. Pagdating sa bahay, hindi rin ako makapaghintay na kumuha ng isang baldeng tubig at makipaglaro sa mga kamag-anak at kaibigan. Nagtatagal ng tatlong araw ang paglalaro ng pagbabasaan ng tubig. Nagsusuot rin ng mga makukulay na damit ang mga tao.
Kinabukasan, kumakain sa labas ang buong pamilya. Kung minsan, pumupunta kami sa tabing-dagat. Binubuhos ko ang tubig na may bulaklak sa palad nina Tatay at Nanay upang naisin ang kalusugan ng kanilang katawan sa bagong taon. Subalit mainit ang panahon, ngunit masaya ang lahat. Ang pagbabasa ng tubig sa bawat isa ay makakapag-alis ng mga hindi kanais-nais at masama sa nakaraang taon. Tulad ng Bagong Taon sa Taiwan, naglilinis rin sa buong bahay tuwing panahon ng Songkran Festival, nagsusuot ng bagong damit at iniiwasang makipag-away at magsalita ng masama para magdala ng suwerte ang bagong taon.
Kung magkaroon kayo ng pagkakataon na mamasyal sa Thailand tuwing buwan ng Abril, subukan na maranasan ang Songkran Festival, nakakatuwa at nagdadala ng mabuting kapalaran!
“Seremonyang Pagpapaligo sa Buddha”
Pagpapakilala sa mga nakakatanda sa Thailand ng seremonyang paghingi ng pagbabasbas at paghugas ng kanilang kamay sa tubig na may bulaklak