Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Pista ng Nyepi sa Indonesia May-akda: Bagong imigrante mula Indonesia / Chou Shi Yee

 May-akda: Bagong imigrante mula Indonesia / Chou Shi Yee


                                                     Pista ng Nyepi sa Indonesia

    Nabanggit ang Pista ng Nyepi sa Indonesia, naaalala ko nang dati akong isang tour guide sa Indonesia noon, sinamahan kong mamasyal ang mga bisita sa napakagandang isla ng Bali. Kasama sa tour ang pagranas ng Pista ng Nyepi. Bagong Taon sa relihiyon ng India ang Nyepi, nakasang-ayon ang araw nito sa Saka kalendaryo, Marso 25-26 ngayong taon ng 2020. Kakaiba ang paraan ng pagdiriwang ng Pista ng Nyepi, ibang-iba sa masayang pagdiriwang ng Bagong Taon sa Taiwan. Dapat itong tahimik at walang ingay, walang anumang aktibidad. Muling pag-iisipan nang malalim ang sariling pag-uugali at mga kilos sa nakaraang isang taon. Ipinagbabawal rin ang inumin at pagkain, trabaho, libangan at iba pang aktibidad, upang muling linisin ang katawan at pag-iisip para lalong mapalapit sa Diyos.
 

Isinasagawa ang seremonyang Tawur Kesanga isang araw bago mag-Pista ng Nyepi. May gamit na kawayan, papel at Styrofoam, gagawa ng itsurang halimaw na dekorasyon o istatwa ang bawat nayon, ang tawag rito ay ogoh-ogoh na nangangahulugang malaking halimaw. Ipapasyal ng mga tao sa nayon ang iba’t-ibang itsura ng halimaw, maglilibot sa mga kalsada, may hawak na ilaw at may tambol. Nagsisimula ang seremonya alas-6 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi. Sa huli, sinusunog ang ogoh-ogoh, simbolo ng pagtataboy sa mga halimaw at masasamang espiritu upang hindi sila manggulo sa aktibidad na Pista ng Nyepi sa susunod na araw.

Sa panahon ng Nyepi, bukod sa ambulansya at sasakyan ng pulis, pansamantalang itinitigil ang paggalaw ng iba pang uri ng mga sasakyan. Sa taon 2018, itinigil rin ang Internet. Natigil ang paggamit ng online network sa buong isla ng Bali bukod sa mga ospital at sa istasyon ng pulis. Ang layunin nito ay upang matanggal at mapaalis ang mga demonyo at masasamang bagay.
 

Ang huling araw ng Pista ng Nyepi ay tinatawag na Ngembak Geni. Nagbabatian ang lahat ng mamamayan sa kanilang mga kapamilya at mga kaibigan, humihingi ng kapatawaran sa mga pagkakamaling ginawa sa nakaraang isang taon at magsimula ng isang panibagong taon.
 

     Masaya ang parada ng mga halimaw na may kasamang tugtog ng tambol. Kakaiba ang indak ng tradisyonal na tugtog ng isla ng Bali at nakakapamangha rin ang kakaibang guhit ng mga larawan ng mga halimaw. Subalit karamihan sa isla ng Bali ay mga naniniwala sa relihiyon ng India, mayroon ding mga iba pang relihiyon. Hindi lamang paggawa ng ingay ang mayroon sa Pista ng Nyepi, maaari pa ring gawin ang pangkaraniwang gawi. Naririto na ako sa Taiwan nang 13 taon. Kapag nakikita ko ang mga kaibigan kong abala sa buhay o pagod, inirerekomenda kong pumunta sila sa Bali sa Indonesia upang maranasan ang Pista ng Nyepi na walang cell phone, walang Internet at telebisyon, at hanapin ang kapayapaan ng kaisipan.

 Pista ng Nyepi sa Indonesia

 Pista ng Nyepi sa Indonesia