Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Araw ng Kababaihan sa Vietnam Ulat: Ruan Chuei Heng (imigrante mula Vietnam)

Pistang binibigyan ng kahalagahan ang Araw ng Kababaihan sa Vietnam. Bukod sa Internasyonal na Araw ng Kababaihan sa Marso 8, mayroon pang Araw ng Kababaihan ng Vietnam sa Oktubre 20. Nagsimula ang Araw ng Kababaihan ng Vietnam noong Oktubre 20, 1930 nang itinaguyod ang Anti-Imperyalismo Samahan ng Vietnamese Kababaihan, ang kaunahang grupo ng kababaihan na lumaban sa imperyalismo noon sa Vietnam. Sa kasalukuyan, ito na ang naging Vietnam Women’s Union na hindi tumitigil sa pagsisikap at paglaban ng mga karapatan ng kababaihan.


Lubhang malala sa Vietnam noon ang pagbibigay ng mas malaking halaga sa lalaki kaysa sa babae. Mababa ang katayuan ng babae, hindi maaring pumasok sa paaralan at mag-aral, kailangang magtrabaho at alagaan ang pamilya, gawin ang lahat ng trabahong-bahay. Napakahirap ang buhay ng babae. Nang maitaguyod na ang Samahan ng mga Vietnamese Kababaihan, nagbago ang kanilang buhay, pinaglabanan nila ang magkaroon ng pantay na karapatan at nagtamo ng pagtanggap sa lipunan kaya sinasabi naming mga kababaihan sa Vietnam na Oktubre 20 ang araw na nagkaisa at tumayo ang mga kababaihan.


Magandang pagkakataon sa mga lalaki na magpakita ng magandang paggaganap tuwing Araw ng Kababaihan sa Vietnam. Sa araw na ito, ang mga babae ay tila prinsesa. Hindi lamang mga magkasintahan ang nagbibigay ng rosas at regalo, pati na rin ang mga asawang lalaki at mga anak na lalaki ay nagbibigay ng bulaklak at regalo, at tutulong sa pagluto, pagpunas ng sahig, paglalaba ng damit … Kapag nakalimutan ng lalaki, makikita niyang may taong hindi masaya!


Naparito ako sa Taiwan nang malapit ng mag-20 taon at 20 taon na rin akong hindi nakaranas ng pansariling araw ng Vietnam babae. Nakakasabik! Sana’y lalong maunawaan ng aking asawa ang kultura ng Vietnam at balang-araw, maipagdiriwang niya para sa akin ang Araw ng Kababaihan! Natutuwa ako sa kakaisip pa lamang. Kapag nagkatutoo, tiyak na mapapaiyak ako sa tuwa. Umaasa ako, pinakamaganda ang may pangarap sa buhay!

Tuwang-tuwa ang mga kababaihang Vietnamese nang matanggap ang bulaklak sa Araw ng Kababaihan

Konsyerto sa pagdiriwang ng Araw ng Kababaihan sa Vietnam