Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Id al-Fitr sa Indonesia Ulat: Bagong imigrante mula Indonesia / Anny Ting

 Nitong mga ilang nakaraang taon, madaming magagandang aktibidad ng “Eid al-Fitr” ang isinasagawa sa Lungsod ng Taipei kaya ako nagkaroon ng madaming alaala ng “Eid al-Fitr”. Ipapakilala ko ngayon sa lahat kung paano ipinagdiriwang ang “Eid al-Fitr”!

    
    Bago mag-“Eid al-Fitr”, ginaganap muna ang Ramadan (umaabot ng 29-30 araw). Sa buwan ng Ramadan, kumakain sa 3:00 ng madaling-araw. 4:00 ng madaling-araw nagsisimula ang Imsak hanggang 6:00 ng hapon (Buka puasa). Tuwing Imsak, bawal kumain, umiwas sa tukso, bawal magalit at magbasa ng “Koran”. Sa oras ng buka puasa, kumakain muna ng kurma at sabaw ng saging (Kolak: may saging, kamote, palm sugar at gata) upang lumakas ang katawan at bago magdasal. Pagkatapos kumain, pumupunta sa mosque para magdasal. Pagkatapos ng pagpunta sa mosque, nagtatambol (Tabuh bedug) at isa-isang nagbabasa ng Koran. Sa huling araw ng Ramadan, ito na rin ang unang araw ng Eid al-Fitr. Tinatawag namin itong Takbiran. Ang lahat ng tao ay nasa mosque o nasa nayon, nagkakantahan at nagpapahiwatig ng pagsapit ng Eid al-Fitr.

    
     Sa panahon ng Eid al-Fitr, umuuwi ang maraming tao sa kanilang mga lalawigan upang makasama ang pamilya. Pagkatapos ng pagdadasal sa Eid al-Fitr, umuuwi at sinasabing 「Minal Aidhin Walfaizdhin,Mohon Maaf Lahir dan Batin!」, may kahulugan na “taos-pusong humihingi ng patawad”o patawarin ako sa mga kasalanang nagawa ko sa nakaraang isang taon at magkaroon ng bagong simula sa Bagong Taon. May handang ketupat (malagkit na binalot sa dahon ng niyog) at sabaw ng manok (opor ayam) sa bahay. Bukod sa masarap na pagkain, magsusuot din ng bagong damit, maglilinis ng bahay, dadalaw sa mga patay … at magdiriwang ng Eid al-Fitr sa bahay ng kaibigan. Maghahanda ng madaming pagkain para sa mga bisitang kaibigan at kamag-anak na darating.


    
     Nang ako ay ikinasal at naparito sa Taiwan, pumupunta ako sa Taipei Mosque upang ipagdiriwang ang Eid al-Fitr kasama ang pamilya o mga kaibigan sa Taiwan. May mga kanta mula sa Timog-Silangang Asya at maraming masusubukan na pagkaing halal, tutoong napakagaling!


Id al-Fitr sa Indonesia


Ulat: Bagong imigrante mula Indonesia / Anny Ting