Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

/001/Upload/483/relpic/63957/9161358/7cec6215-2683-4f0b-85d0-8da2e597b555.jpg

Ang Sanja Festival, isa sa “tatlong malaking pagdiriwang sa Tokyo”, ay pagdiriwang na kumakatawan sa Japan at pinakamasayang aktibidad sa buong taon sa Asakusa. Isa itong pista na hindi dapat kaligtaan sa panahon bago magsimula ang tag-init sa Asakusa. Sa panahon ng kaganapan, may iba’t ibang uri ng mga nagtitinda at nagpaparada sa daan at ang buong Asakusa ay napupuno ng sigla at kagalakan ng pagdiriwang.

Ang opisyal na tawag sa Asakusa Sanja Festival ay “Asakusa Shrine Festival”, tumutukoy sa pinakamahalagang seremonyang isinasagawa ng templo sa Japan at pinakamahalagang aktibidad sa loob ng isang taon sa templo sa Asakusa. Ginaganap ito tuwing ikatlong Biyernes, Sabado at Linggo (3 araw) sa buwan ng Mayo sa bawat taon.

Sa pistang ito, magkakasamang binubuhat ng madaming tao ang isa-isang mga santo sa kanilang karwahe. Sa bandang huli ng panahong Kamakura, sinasakay ang mga santo sa bangka. Sa mga sumunod na henerasyon na lamang naging tao ang nagbubuhat nang katulad sa ngayon.

Ang pangunahing organizer ng Asakusa Sanja Festival ay ang templo ng relihiyong Shinto sa Japan. Ang kalapit na tourist spot, ang “Senso-ji”ay templo ng relihiyong Buddhism.

May mga magkalapit na pasilidad ng dalawang magkaibang relihiyon dahil sa pagsasama ng relihiyong Shinto ng Japan at Buddhism na nagmula sa ibang bansa. Madalas makitang magkatabi ang templo ng dalawang relihiyon sa Japan.