Ang Pista ng Water Lantern ay tradisyonal na araw ng pista sa Thailand, Laos, Sri Lanka, Kampuchea at bahaging lugar sa Myanmar tuwing Disyembre 15 bawat taon sa kalendaryo ng Thailand (Oktubre / Nobyembre sa pangkaraniwang calendar; Oktubre 15 sa Chinese calendar). Tuwing gabi ng pista, nasa siyudad man o sa lalawigan, basta’t nasa lugar na kalapit ng ilog o lawa, napupuno ito ng mga lumulutang na lantern sa tubig.
Nagsimula ang pista sa Thailand 800 taon nang nakaraan sa unang kaharian ng Thailand – Sukhothai Dynasty. Bawat taon tuwing Disyembre 15 sa kalendaryo ng Thailand, nagtitipon ang mga tao at ipinagdiriwang ang Pista ng Lantern. Sumasakay ang hari, reyna at mga miyembro ng maharlikang pamilya sa bangka at umiikot sa ilog, may mga paputok at napupuno ng kasiyahan ang buong gabi.
Ayon sa alamat, may isang kasama ang hari, maliksi ang kamay at maraming kakayahan sa sining, ginamit niya ang dahon ng saging at nagtupi ng bangka, may mga inukit na prutas at sariwang bulaklak, inilagay sa tubig bilang pagpapasalamat sa Maykapal at sa diyos ng ilog. Tuwang-tuwa ang hari at iniutos ang pagdiriwang na ipinagpatuloy hanggang ngayon. Mula noon, iba’t ibang uri ng water lantern ang ginagawa tuwing pista, dumadami ang itsura at kaiba-iba rin ang teknolohiya sa paggawa.