Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Pagpapakilala sa Song Shan Comedy Club

Papasok na sa pangatlong taon ang Song Shan Comedy Club (SSCC): Nakangiting papasok sa klase, natutuwang natatapos ang klase, nais lang namin kayong matuwa. Una kaming comedy club sa buong kalunsuran ng Taipei, nakatuon sa pag-promote ng komedya mula nang itinatag at may mga artistang komedyanteng may malalim na karanasan ang tumulong sa pagtuturo. Pangunahin sa pag-aaral ang stand-up comedy, kasama pa rin sa sakop ng pag-aaral ang manzai at improvisational theater.

Isang uri ng komedya ang stand-up comedy at itinatawag rin na talk show. Oo, maaaring napapanood mo ang stand-up comedy habang nakasakay sa bus o sa MRT o maaaring patago mong pinapanood habang nagtuturo ang guro at dahil bigla kang tumawa, napatawa ang iyong mga kamag-aral at kinumpiska ang iyong cell phone.

Nakakahawa ang pagtawa. Kinokonekta ng senior high school ang mga taon sa kabataan at ang lipunan. Hindi lamang pag-aaral sa senior high school, may mas maraming tatapusin na group reports. Inaasahan namin na mabawasan nang kaunti ang bumibigat na presyon sa senior high school. Huwag maliitin ang komedya! Gusto mong matuto, tuturuan ka namin mula sa simula. Ang aming propesyonalismo, nagpapahintulot na hindi lamang pag-aaral ang iyong matutunan.

Mag-obserba at kumuha ng materyales mula sa pamumuhay, buksan ang mata at tuklasin ang mas madami pang detalye sa buhay. Sanayin ang iyong panitikan upang makapagsimula kang madali sa pundasyon. Ang mas magandang pag-aarte, nakakapag-akit ng atensyon ng publiko, simpleng lenggwahe ng katawan upang maunawaan ng lahat ang nais mong sabihin. 

Sa loob ng isang linggo, napupuno ng stress sa pag-aaral at sa pag-ugnayan sa tao. Ang layunin ng SSCC: ibigay sa mga miyembro ang isang club na hindi kailangang gumawa ng report, walang aaralin o babasahin na aklat, walang stress sa progreso. Gusto mong maging masaya, hahagkan ka namin ng saya. Pinakakawili-wiling aktibidad, pinaka-maylaman na pag-aaral, pinakamagaling na tagapagturo, pinakamagaling na mga lider sa grupo. Kami ang pinaka-nakakatuwang club: Stand-up comedy club.

Ang aming mga guro ay may maraming taon na karanasan. Nariyan rin ang maraming kamag-aral na madalas manood ng pagtatanghal sa komedya, may hindi tumatawa ngunit nakakatuwang kasama, at mayroon ring mahilig tumawa ngunit hindi nakakatuwang pinuno ng club. Maaaring maging mas kaaliw-aliw ang iyong report at panayam, mas nakakaakit ng tao. Lalong magiging masigla ang iyong mga kaibigan at iyong grupo, masaya at hindi nawawalan ng ritmo.

Sumunod sa bakas ng mga nakatatanda, pumasok sa alaala at sa buhay na napupuno ng kasiyahan at walang stress. Ipagpatuloy ang tunog ng tawa 

upang mahawaan ang buong pamilya at buong paaralan. Kung may interes ka sa komedya, maaaring sumali sa amin!