Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Pagpapakilala sa Social Club sa Sayaw ng Taipei First Girls High School

Taipei First Girls Grupo sa Sayaw Ika-42 Batch (2023-2024)

— Historya ng Grupo —


Itinatag ang grupo sa sayaw ng Taipei First Girls High School sa 1982 at orihinal na nagsasayaw ng tradisyonal, moderno at mga Latin na sayaw. Makaraan ang paglipas ng panahon at pagbabago, street jazz, girl’s hiphop at mga modernong sayaw ang naging pangunahing sayaw sa ika-35 batch na madalas makita ng lahat ngayon.

May dalawang gurong gumagabay sa grupo. Si Titser Yee Xin-Huei, group leader ng Maniac dance group sa Taiwan at bihasa sa jazz at hiphop, nagsimula sa ika-35 batch at may 18 taon na ngayon. Madaming pumalit sa titser sa modernong sayaw at mula sa ika-40 na batch, si Titser Yen-Ling, direktor ng bdance, isang internasyonal grupo sa modernong sayaw, ang nagtuturo.


Dumaan sa pagbabago at pagsisikap sa magkakaibang panahon ang grupo sa sayaw. Sa ika-42 taon ngayong taon, bukod sa inilalahad ang gilas ng jazz at hiphop, nananatili pa rin ang kagandahan ng modernong sayaw, nagsisikap na matapos ang iba’t ibang sayaw sa entablado at makapagbigay ng magkakaibang pagtatanghal sa publikong nanonood. Ito ang katangian ng Taipei First Girls Dance Group nitong nakaraang 42 na taon. Bagama’t nagbago na ang panahon at hindi na istilo ng pangunahing kultura ang modernong sayaw, ngunit modernong sayaw ang pinanggalingan ng Taipei First Girls Dance Group. Inaasahan pa rin namin magamit ang simpleng wika ng katawan upang magbigay ng kakaibang damdamin sa publiko kaya pinili namin ipagpatuloy ang pagsasanay sa modernong sayaw at pagsikapan na magkaroon ng balanse sa sayaw na jazz at hiphop.


May magkakaibang kuwento sa likod ng bawat isang sayaw, bawat isang kanta at bawat isang kasuotan. Pagtanggal ng uniporme sa paaralan, magkasama ang 7 tao, nagsisikap na magbigay ng pagtatanghal sa mga nanonood. Makaraan ang paulit-ulit na pagtatalakay sa titser, pribadong pagpapraktis upang magkaroon ng bunga. Sa sandaling pagsindi ng ilaw, may tiwala sa sarili at kasama ang ibang taong naghahabol rin sa kanilang pangarap. Nagbibigay ng taos-pusong paghihikayat, ipinaparamdam ang totoong damdamin, at nag-iiwan ng nag-iisa at walang kasingtulad na karanasan sa sariling buhay sa senior high school. Ito ang pangarap na hinahanap at hinahabol ng Taipei First Girls Dance Group.


— Iba’t ibang Paligsahan —

Pangalan ng Aktibidad: Shin Kong Street Dance Competition

Petsa: 2023.07.29

Lugar: Shin Kong Life Insurance Building

Komento sa Aktibidad:

Ito ang unang beses namin na tumayo sa entablado sa pangalan na Taipei First Girls Dance Group. Subalit maraming pagkukulang ngunit pinalawak ng paligsahan ang aming pananaw at nahanap namin ang layunin upang sumikap sa pagsasanay.


Pangalan ng Aktibidad: HDC Paligsahan sa Sayaw ng mga High School sa Buong Bansa

Petsa: 2023.08.05

Lugar: Far Eastern Xinyi A13

Komento sa Aktibidad:

Subalit kaunti na lang ang diperensya, ngunit napakahalaga itong karanasan para sa amin.


Pangalan ng Aktibidad: 8teen Joint Party

Organizer ng Aktibidad: Club leaders sa 8 paaralan (Taipei First, Jianguo HS, HSNU, Zhongshan, Chenggong, Jingmei, Songshan, AHSNCCU) 

Petsa: 2023.09.15

Lugar: HANASPACE

Layunin ng Aktibidad: Ipagtipon ang lakas ng dance club sa 8 paaralan, magsagawa ng aktibidad sa entablado at magtanghal, gumawa ng promosyon sa mas nakababatang mag-aaral


Pangalan ng Aktibidad: 20 Showcase

Petsa: 2023.11.05

Lugar: Yangming University Assembly Hall

Layunin ng Aktibidad: Sa panahon ng paghahanda sa paligsahan, itipon ang damdamin ng mga kaibigan sa club, magkasamang sanayin ang mga technique sa magkakaibang sayaw at maglahad ng kakaibang gawain sa mas nakababatang mag-aaral.


Petsa ng Aktibidad: 2024.06.01

Lugar: Multi-function Room sa Lungsod ng New Taipei

Layunin ng Aktibidad: Gamitin ang pinakamalaking entablado upang ilahad ang bawat natutunan sa grupo nitong dalawang taon at mag-iwan ng malalim na impresyon bilang pagtatapos.


Mula sa unang taon ng Senior High nang sumali sa grupo, nagsikap na magsanay at hindi natakot sa hirap at pagod, hanggang nagkaroon ng mas batang mag-aaral na sumusunod sa amin at nagkaroon ng maraming pagkakataon na nasa amin ang entablado.


Isang mahalagang tahanan ang First Girls Dance Group para sa amin. Sa panahon na dalawang taon, maraming nakilalang kaibigan na may katulad na pangarap. Maging sa panahon na masaya man o malungkot, maaaring magkasama, magbigay ng suporta sa isa’t isa. Isang napakalaking entablado ang First Girls Dance Group kung saan panatag ang aming loob at may tiwalang ilahad ang sarili, gamitin ang bawat pagkakataon sa pagtatanghal bilang pagtanda sa walang tigil na pagpapahusay at pagbabago.


Ang senior high school ay isang stage ng walang tigil na pagsusubok at paglikha ng pagkakataon. Pakiramdam namin, isa sa iilan na pinakamagandang pasyang nagawa namin ang pagsali sa First Girls Dance Group. Pinapahalagahan namin ang maraming magagandang alaalang naibigay nito sa amin. Sana’y makapagpatuloy ang First Girls Dance Group, magbigay ng magkaparehong nararamdaman at kasiyahan sa mas marami pang tao, magkasamang maranasan ang kakaibang buhay sa high school ~