1. Kapag ang publiko (mismong taong kasangkot o taong may kaugnayan sa nangyari) ay may hinala sa paglabag o may iba pang kilos na lumalabag sa batas at may pangangailangang makuha ang impormasyon ng mga nakuhanan ng larawan sa sistema ng Kagawaran ng Pulisya, kailangang ipatupad ayon sa mga kaugnay na regulasyon tulad ng “Video Surveillance System Setup Management Regulations sa Lungsod ng Taipei” Art. 12, “Batas sa Administratibong Pamamaraan” Art. 46, “Criminal Procedure Code”, “Batas sa Pagprotekta sa Pansariling Impormasyon” at “Mahalagang Bagay sa Pag-aayos ng Impormasyon sa Video Surveillance System”.
2. Mag-apply sa himpilan ng pulis at punan ang rehistrasyon form. Kapag naaprubahan ito, sasamahan ka ng pulis upang hanapin at tingnan ang video. Sa prinsipyo, maaaring tingnan lang, hindi maaaring magtago ng sariling kopya. Kapag may natuklasang impormasyon na gagawing ebidensya, dapat gamitin ang kaugnay na proseso sa pagkuha ng imahe.
3. Maaaring mag-apply ng pagkuha ng imahe sa video sa Platform ng Pagsisilbi sa Mamamayan (https://service.gov.taipei/Case/ApplyWay/201901090041)