Mula ngayon hanggang Hunyo 30, sabay ang paggamit ng dalawang numero ng Hotline sa Serbisyong Pagpapayo sa mga Dayuhan, ang dating 「0800-024-111」at ang 「1990」. Mula Hulyo 1, ang numerong 「1990」na lamang ang gagamitin sa serbisyong hotline. Iniimbitahang gamitin ng mga bagong imigrante at ng mga tagadayuhan.
1. Sakop ng Serbisyo: Serbisyong pagpapayo ukol sa mga pangangailangan sa buhay sa Taiwan at pagbabagay sa buhay ng mga tagadayuhan at bagong imigrante sa Taiwan, kasama ang visa, residency, trabaho, edukasyon at kultura, buwis, kalusugan at insurance, transportasyon, paghahanap ng trabaho, paggagamot, kaligtasan ng sarili, pagpapalaki sa mga anak, pagsisilbi sa mga kapakanan, impormasyon sa batas at iba pang mga impormasyon sa kabuhayan. May serbisyo sa wikang Chinese, Ingles, Japanese, Vietnamese, Indonesia, Thailand at Kampuchea.
2. Oras ng Pagsisilbi:
(1) wikang Chinese, Ingles at Japanese: 24 oras, walang pahinga sa buong taon
(2) wikang Vietnam, Indonesia, Thailand, Kampuchea: Lunes hanggang Biyernes (hindi kasama ang mga opisyal na holidays at iba pang araw ng pahinga) 9:00 umaga - 5:00 hapon
3. Paraan ng Pagsisilbi: Sa tulong ng mga taong marunong sa wikang Chinese at banyagang wika, nagbibigay ng serbisyong pagpapayo sa telepono sa 7 wika (Mandarin Chinese, Ingles, Japanese, Vietnamese, Indonesian, Thailand at Kampuchea).