Paggabay sa Pagsimula ng Negosyo
A. Layunin ng paggabay sa pagsimula sa negosyo: Isinasagawa ng Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei ang paggabay sa pagsimula ng negosyo upang matulungan ang publikong may pangangailangan sa pag-iiba ng trabaho o pagsimula ng negosyo, nagpaplano at nagsasagawa ng mga may kaugnayang pagsasaliksik at pag-aaral upang maabot ng mag-aaral na nangangailangan ng perang pangpuhunan ang kwalipikasyong makapaghiram ng pera mula sa pamahalaan. Para sa publikong may pangarap na magsimula ng negosyo o nakapagsimula na ng negosyo, nagbibigay ng serbisyong one-on-one na pagpapayo sa pagtaguyod ng negosyo upang magtamo ng kaalaman at kakayanan, mapatupad ang pangarap at madagdagan ang kakayanan sa pagpapatakbo ng negosyo. B. Paraan sa pagsasagawa ng paggabay sa pagsimula sa negosyo: (1) Pag-aaral sa Pagsimula ng Negosyo: Para sa publikong may nais na magsimula o nakapagsimula na ng negosyo, inimbitahan ang propesyonal na tagapaglektura magturo ng paghahanda sa negosyo, pamamahala sa trabaho sa loob ng tindahan, mga tuntunin sa buwis at industriya, paghahanda ng puhunan, pagsusulat ng plano at iba pang mga paksa. Magbibigay ng sertipiko ng pagdalo ang mag-aaral na makikilahok sa 18 oras ng pag-aaral at maaaring gamitin sa pag-apply ng utang para sa negosyo sa kaugnay na opisina o ahensya. (2) Pagtatanong at pagpapayo sa pagsimula sa negosyo: Nagbibigay ng isa hanggang tatlong oras na serbisyong one-on-one pagtatanong at pagpapayo sa mga nakakaranas ng suliranin sa negosyo. (3) Mga espesyal na lektura sa pagsimula ng negosyo: Upang maging masagana ang nilalaman ng pag-aaral sa pagsimula ng negosyo, inimbitahan ng Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei ang propesyonal na tagapaglektura o mga nagtagumpay sa pagtaguyod ng negosyo, ibahagi ang kanilang paraan sa pagtinda o marketing, magbigay ng aralin sa industriyang pangkultura at paglilikha, paano pahusayin ang pagtitinda, pamamahala sa salapi at iba pang aralin, nang madagdagan ang kaalaman at kakayahan sa negosyo, at madagdagan ang pagkakataong magtagumpay sa negosyo. Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei, Pangalan ng mga kurso at lektura sa pagsimula sa negosyo sa buong taon, balangkas ng kurso, petsa at paraan ng rehistrasyon, sumangguni sa [link].

![Taiwan.gov.tw [Magbukas ng ibang window]](/images/egov.png)
