Kapag pinaghinalaang naging biktima ng bullying ang manggagawa sa lugar ng trabaho, ngunit hindi magawan ng totoong pagkilanlan ang biktima ng mga awtoridad, dapat atasan ang amo na bumatay sa katangian ng lugar ng trabaho at panganib, sumangguni sa mga alituntunin na inihayag ng sentral na karampatang awtoridad, magtakda ng plano sa pag-iwas ng hindi tamang paglabag sa pagpapatupad ng trabaho. Maaaring sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pag-iwas at mag-iwan ng talaan ng pagpapatupad:
1. Kilalanin at gumawa ng ebalwasyon sa panganib.
2. Gumawa ng naaangkop na pagsasaayos sa lugar ng trabaho.
3. Batay sa trabaho, gumawa ng naaangkop na wastong pag-assign ng tauhan sa trabaho.
4. Itaguyod ang pamantayan ng pag-uugali.
5. Magsagawa ng training sa pag-iwas sa sakuna at paraan sa pakikipag-usap.
6. Magtatag ng paraang gagawin sa pag-aayos ng pangyayari.
7. Gawin ang ebalwasyon ng bisa ng pagpapatupad at gawin ang pagbabago at pagpapahusay.
8. Mga iba pang bagay kaugnay sa kaligtasan at kalusugan. Magbibigay ng abiso sa may paglabag upang gumawa ng pagbabago. Kapag hindi nagawa ang pagbabago sa loob ng tinakdang panahon, mapapatawan ang amo ng multang NT$30,000 hanggang NT$150,000.