Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ano ang mga dokumentong dapat ihanda sa pag-apply ng perang benepisyo sa pinsala sa trabaho ng manggagawa sa Lungsod ng Taipei?

A. Dapat ihanda ang mga sumusunod:

1. Aplikasyon form.

2. Transcript ng household rehistrasyon sa loob ng 3 buwan.

3. Impormasyon ng taong insured sa labor insurance, katibayan ng pag-insure sa labor insurance o katibayan ng pagkilanlan ng manggagawa: kapag hindi rehistrado bilang manggagawa sa Taiwan, ilakip ang pasaporte at permit sa trabaho.

4. Katibayan ng pinsala sa trabaho mula sa opisina ng trabaho o iba pang dokumentong sapat na makakapagpatunay ng pinsala sa trabaho.

5. Sulat ng pag-apruba sa subsidiya sa kawalan ng kakayahan sa pinsala sa trabaho mula sa Kagawaran ng Labor Insurance, Ministri ng Labor o katibayan ng kapansanan mula sa pagamutan na may kasunduan sa National Health Insurance.

6. Affidavit ng hindi pag-ulit na pag-apply.


B. Bukod sa nabanggit na dokumento sa 1 - 4 at 6 sa itaas, dapat ilakip ng taong kumakatawan sa manggagawa ang sertipiko ng pagkamatay ng manggagawa at ang dokumento sa pagkilanlan ng taong kumakatawan.


C. Ang mga dokumentong kalakip sa pagkilanlan ng taong kumakatawan sa manggagawa at walang rehistrasyon ng tirahan sa Taiwan ay dapat magkaroon ng beripikasyon mula sa mga sumusunod na opisina:

1. Kapag nagmula sa ibang bansa, dapat magkaroon ng beripikasyon mula sa embahada, opisinang kumakatawan, consulate office ng Taiwan o iba pang opisinang may awtoridad mula sa Ministri ng Foreign Affairs sa Taiwan; kapag nagmula sa embahada ng ibang bansa o opisinang nabigyan ng awtoridad na nakatalaga rito sa Taiwan, dapat muling mapatunayan ng Ministri ng Foreign Affairs.

2. Kapag nagmula sa Tsina, dapat magkaroon ng beripikasyon mula sa 

opisinang itinatag ng Administrative Yuan o ahensyang itinukoy o ipinagkatiwalaang grupong sambayanan.

3. Kapag nagmula sa Hongkong o Macau, dapat magkaroon ng beripikasyon mula sa opisinang itinatag ng Administrative Yuan sa Hongkong o Macau o ahensyang itinukoy o ipinagkatiwalaang grupong sambayanan. Kapag ang dokumento ay nakasulat sa banyagang wika, dapat ilakip ang kopyang isinalin sa wikang Chinese ng bawat dokumentong may beripikasyon o napatunayang kopya ng pampublikong notaryo sa Taiwan.