Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Mayroon bang mapagtatanungan na boluntaryong abogado kapag may mga legal na tanong kaugnay sa manggagawa?

Kapag may mga legal na tanong kaugnay sa manggagawa, ang Kawanihan ng Labor sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei ay nagbibigay ng “Serbisyong Pagpapayo ng Boluntaryong Abogado”at nasasailalim ang ilang impormasyon:


1.Sentro ng Karapatan ng Manggagawa (6F, No. 101 Bangka Blvd., Distrito ng Wanhua): bawat Lunes hanggang Biyernes 2:00-5:00 hapon pumila at maghintay (Lunes – Biyernes maaaring gumawa ng appointment sa https://ap.bola.taipei/)

2.Beitou Employment Services Station (5F, No. 30 Xinshi St., Distrito ng Beitou): bawat Miyerkoles 2:00-5:00 hapon pumila at maghintay

3.Nangang Dongmin Employment Services Station (2F, No. 19, Lane 60, Sec. 2, Nangang Road, Distrito ng Nangang): bawat Miyerkoles 2:00-5:00 hapon pumila at maghintay

4.Xinyi Employment Services Station (8F, No.86 Futeh St., Distrito ng Xinyi): bawat Miyerkoles at Biyernes 9:00-12:00 umaga pumila at maghintay

5.Maaaring tumawag sa 1999 (02-27208889 kapag tumatawag mula sa ibang county o lungsod) ext.7019 (may hangganang 10 minuto sa bawat tawag): bawat Lunes hanggang Biyernes 2:00-5:00 hapon (magkasamang isinasagawa ng Taipei Bar Association, Keelung Bar Association at Taipei Legal Aid Foundation).


Pinagmulan ng Impormasyon: Kagawaran ng Manggagawa sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei