Ang pamamahala ng amo sa kalusugan ng manggagawang nasa pangatlo at higit pang antas, dapat kumuha ng espesyalistang manggagamot na magpatupad ng pagsusubaybay at pagsusuri. Kapag kinakailangan, dapat gumawa ng ebalwasyon sa mga sakit na pinaghihinalaang may kaugnayan sa trabaho. Gumawa ng panibagong pag-aantas sa resulta ng ebalwasyon at tapusin ang pagreport sa loob ng 30 araw matapos gawin ang pagsusuring pagsubaybay sa kalusugan. Pumunta sa website ng Occupational Safety and Health Administration, Ministri ng Manggagawa (http://www.osha.gov.tw/)at punan ang impormasyon sa online na pag-report upang mapaghandaang imbestigahin ng opisina ng labor inspection.