Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ano ang pamantayan ng Occupational Safety and Health Act sa manggagawang nagtrabaho sa labas sa araw na may bagyo?

A. Sa pagtuon ng Occupational and Safety Act sa may relasyon na manggagawa at amo at nagtratrabaho sa labas sa araw na may bagyo, dapat sumunod ang amo sa mga sumusunod na tuntunin:


1. Ang amo ay dapat gumawa ng ebalwasyon ng panganib sa lugar ng trabaho o gawain sa trabaho, magtakda ng mekanismo ng pagtatasa ng kaligtasan, proseso at mga kaugnay na form. Kapag inaakala o nakikitang may panganib batay sa mga ulat sa media, dapat itigil ang trabaho sa labas. Kung nagpasya ang amo na ipagpatuloy ng manggagawa ang trabaho, dapat gumawa ang amo ng mga hakbang sa proteksyon at kaligtasan, italaga sa pagsusulat ang pag-assign sa trabaho ng amo o superbisor at itago ang rekord para sa sanggunian sa hinaharap.


2. Pinagtrabaho ng amo ang manggagawa sa labas sa lugar kung saan gumawa na ang pamahalaan ng anunsyo ng pagtigil ng trabaho sa araw ng bagyo, may panganib na magdulot ng pinsala sa manggagawa, kailangan tingnan ang katangian ng panganib sa trabaho, maghanda ng naaangkop na life vest, safety helmet, kagamitan sa komunikasyon at iba pang kinakailangan na kagamitan at transportasyon sa proteksyon at kaligtasan.


B. Sa bahaging serbisyong paghahatid na walang relasyon na amo at manggagawa, kailangang ipaalam agad ng operator sa mga tauhan sa delivery na itigil ang serbisyong paghahatid sa panahong pagtigil ng trabaho sa abisong ibinigay ng lokal na pamahalaan.