Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Anong uri ng pinsala sa trabaho ang dapat i-report? Ano ang mga kaugnay na tuntunin?

Dapat i-report ng amo sa ahensya ng labor inspection (Labor Inspection Office sa Lungsod ng Taipei) sa loob ng 8 oras kapag may pangyayaring isa sa mga sumusunod sa lugar ng trabaho:

(1) Sakunang may namatay

(2) Sakunang may 3 at higit pang taong nasaktan

(3) Sakunang may 1 at higit pang taong kailangang ma-confine sa pagamutan

(4) Iba pang sakuna na itinakda sa anunsyo ng sentral na karampatang awtoridad (pagkatapon o pagtulo ng kemikal tulad ng ammonia, chlorine, hydrogen cyanide, phosgene, hydrogen sulfide, sulfur dioxide, nagdulot ng 1 at higit pang taong kailangang ma-confine sa pagamutan). Ang lumabag nito ay maaaring pagmultahan ng $30,000-300,000.