Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Sino ang nangangasiwa sa pagpapayo sa pagsimula ng negosyo ng bagong imigrante?

Ang Deparmento ng Economic Development 「StartUP@Taipei」(matatagpuan sa 2F, North Wing ng Taipei City Hall) ay nagbibigay ng serbisyong pagpapayo at paggabay sa pagsimula ng negosyo. Sakop dito ang: may discount na pagpapautang, bonus at subsidiya, pagsasanay at pag-aaral, magkasamang nagtratrabaho sa isang lugar at suporta sa resources. Ikinagagalak na maaari itong gamitin ng bagong imigrante. Kapag may tanong kaugnay sa pagsisimula ng negosyo, maaaring tumawag sa 02-27208889 ext. 1431 o 6498. Maaaring tingnan din ang https://www.startup.taipei, makakatulong sa bagong imigrante sa pagkolekta ng impormasyon at resources kaugnay sa pagsimula ng negosyo.