Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ano ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsusuri sa kalusugan ng manggagawa?

(A) Pangkaraniwang pagsusuri sa kalusugan:

1. Ang bagong pasok na manggagawa ay dapat gumawa ng “pangkaraniwang pagsusuri sa pangangatawan”bago magsimula sa trabaho. Maaaring pag-usapan ng amo at ng manggagawa kung sino sa kanila ang magbabayad sa gastos sa pagsusuri. Ang manggagawang nagtratrabaho ay dapat gumawa ng “pangkaraniwang pagsusuri sa kalusugan”at dapat ipasan ng amo ang gastos sa pagsusuri. Ang tuntunin sa Occupational Safety and 

Health Act Art. 20, dapat ipatupad ng amo ang pagsusuri sa kalusugan ng manggagawang nagtratrabaho at ang manggagawa ay may obligasyon na tanggapin ito. Sa prinsipyo, dapat magbigay ang amo ng opisyal na 

pagliban sa trabaho upang makapagpasuri ang manggagawa.

2. Dapat ipatupad ang pangkaraniwang pagsusuri sa kalusugan: 65 taon gulang at higit pa, 1 beses bawat taon; 40-64 taon gulang, 1 beses bawat 3 taon; wala pang 40 taon gulang, 1 beses bawat 5 taon.

(B) Kakaibang pagsusuri sa kalusugan: Sa mga manggagawang nasa trabahong may kakaibang kapaligiran, dapat ipatupad ng amo ang pagsusuri sa kalusugan at kakaibang panganib sa mga manggagawa bawat taon at dapat ipasan ng amo ang gastusin sa pagsusuri.