Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Paggabay sa Pagsimula ng Negosyo

A. Layunin ng paggabay sa pagsimula sa negosyo: Isinasagawa ng Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei ang paggabay sa pagsimula ng negosyo upang matulungan ang publikong may pangangailangan sa pag-iiba ng trabaho o pagsimula ng negosyo, nagpaplano at nagsasagawa ng mga may kaugnayang pagsasaliksik at pag-aaral upang maabot ng mag-aaral na nangangailangan ng perang pangpuhunan ang kwalipikasyong makapaghiram ng pera mula sa pamahalaan. Para sa publikong may pangarap na magsimula ng negosyo o nakapagsimula na ng negosyo, nagbibigay ng serbisyong one-on-one na pagpapayo sa pagtaguyod ng negosyo upang magtamo ng kaalaman at kakayanan, mapatupad ang pangarap at madagdagan ang kakayanan sa pagpapatakbo ng negosyo.


B. Paraan sa pagsasagawa ng paggabay sa pagsimula sa negosyo: 


 (1) Kursong pag-aaral sa pagsimula sa negosyo: Para sa publikong may nais na magsimula ng negosyo o nakapagsimula na ng negosyo, may 4 na beses ng pag-aaral sa isang taon, 21 oras bawat isang grupo. Inimbita ang isang propesyonal na tagapanayam, magbibigay ng lektura sa paghahandang gagawin sa pagsimula ng negosyo, pamamahala sa mga trabaho sa tindahan, pagbubuwis at mga regulasyon sa negosyo, pagplano sa puhunan, pagsusulat ng plano at iba pang kursong pag-aaral. Magbibigay ng sertipiko sa pagtatapos sa pagsasanay at maaaring gamitin sa pag-apply ng utang sa pagsimula ng negosyo mula sa bangko o sa may kaugnayang ahensya.


(2) Pagtatanong at pagpapayo sa pagsimula sa negosyo: Nagbibigay ng isa hanggang tatlong oras na serbisyong one-on-one pagtatanong at pagpapayo sa mga nakakaranas ng suliranin sa negosyo.


 (3) Mga espesyal na lektura sa pagsimula ng negosyo: Upang maging masagana ang nilalaman ng pag-aaral sa pagsimula ng negosyo, inimbitahan ng Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei ang propesyonal na tagapaglektura o mga nagtagumpay sa pagtaguyod ng negosyo, ibahagi ang kanilang paraan sa pagtinda o marketing, magbigay ng aralin sa industriyang pangkultura at paglilikha, paano pahusayin ang pagtitinda, pamamahala sa salapi at iba pang aralin, nang madagdagan ang kaalaman at kakayahan sa negosyo, at madagdagan ang pagkakataong magtagumpay sa negosyo.


Employment Services Office sa Lungsod ng Taipei, Pangalan ng mga kurso at lektura sa pagsimula sa negosyo sa buong taon, balangkas ng kurso, petsa at paraan ng rehistrasyon, sumangguni sa [link].