Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Paano Matulungan ng Magulang ang Anak sa Paghahanda ng mga Kinakailangan sa Pagsusuri sa Unibersidad

Ulat: Fo Guang University Professor at Admission Officer / Li Chiao Ming

Makaraan ang kalagitnaan ng Marso, i-aanunsyo na ang resulta ng unang bahagi ng screening sa indibidwal aplikasyon sa kolehiyo. Ang mga nakapasang Grade 12 na mag-aaral ay magkakaroon ng pangalawang bahagi ng screening sa Abril – Mayo. Kailangan magbigay ng mga dokumento at papeles sa pagsusuri. Pinakamahalagang batayan ito sa interbyu at malaki ang pagkabahalang idudulot nito sa mga mag-aaral. Paalala sa mga magulang, bigyan ng pagmamahal, pasensiya at samahan ang anak na makadaan sa yugtong ito at ihikayat sa anak na makipag-usap sa kanyang guro at humingi ng propesyonal na tulong.

Paano matutulungan ng magulang ang anak sa paghahanda? Una, alamin ang mga kinakailangan na dokumento sa kursong kukunin. Kadalasan, pangunahing impormasyon ng mag-aaral, talaan ng mga napag-aralang asignatura, talaan ng iba’t ibang uri ng performance, sariling salaysay ng karanasan at plano sa pag-aaral at iba pang katibayan at impormasyon na makakatulong sa screening. Alamin nang mabuti at magkakaiba ang kinakailangan ng iba’t ibang kurso sa bawat paaralan. Kasunod nito, isipin ang hilig at mga karanasan sa pag-aaral ng anak nitong nasa ika-10 at ika-11 na baytang. Samahan ang anak sa pagkilala sa kanyang talento, mga kakaibang karanasan, dahilan sa pagpili ng kurso at talakayin kung saang aspeto siya maaaring magkaroon ng magandang kinabukasan. Ito na rin ang bahaging gagamitan ng madaming panahon bago magpa-interbyu. Habang naghahanda ng mga kinakailangan sa screening, maaaring tulungan ng magulang ang anak at magkaroon ng pagsusubok na interbyu upang mabigyan ang anak ng tiwala sa sarili at tiyak na makabubuti sa kanila ang nakikitang suporta ng mga magulang.

Kung hindi gagamitin ng mag-aaral ang paraang indibidwal aplikasyon sa kolehiyo, haharapin niya ang “Advanced Subjects Test”.  Ang markang makukuha sa eksamen sa Marso – Mayo ay batayan ng pagpipili ng paaralan. May mga paaralang may pamantayan na marka sa eksamen. Dapat ring bigyan ng pansin ang tuntunin ng bawat unibersidad sa standard na marka, karagdagang puntos sa piling asignatura at prayoridad sa magkaparehong marka. Ngayong taon, mula sa Mayo 18 – 27 ang rehistrasyon para sumali sa Advanced Subjects Test at gagawin ang pagsusuri sa Hulyo 3 – 5. Mabigat ang pasan ng mag-aaral sa paghahanda sa pagsusuri at hindi rin maaaring magpabaya. Pinakamalaking tulong ang pagmamahal at samahan ang anak sa patuloy niyang pagsisikap!

Upang masuportahan ang mga anak ng bagong imigrante sa pagpapatuloy ng pag-aaral, may proyekto sa pagbigay ng subsidiya at scholarships sa mga bagong imigrante.
Tingnan sa website :
https://sp.immigration.gov.tw/Announcement.aspx?ASN=32