Ulat: Yangming Senior High School Academic Affairs Direktor / Hu Chieh-Ming
Simula sa Schoolyear 2021, ang kursong pag-aaral ng tatlong baytang sa senior high school ay dinisenyo alinsunod sa bagong syllabus. Ipinapakilala ang katangian ng kurso ng pag-aaral at mga kaugnay na tanong at sagot:
Q1. May “Kinakailangang Kurso” at “Elektibong Kurso” na mapagpipilian ng mag-aaral sa Grade 10. Ano ang nilalaman ng mga kursong ito?
“Kinakailangang Kurso”: Mga kursong binubuo ng bawat isang paaralan na may kakaibang katangian batay sa pananaw ng paaralan at tampok na paglilinang, nakatuon sa paksa, praktikal (pang-eksperimento), nag-iibayong larangan ng pag-aaral at iba pa. Inaasahang mapalakas ang kakayahan ng mag-aaral sa pagsama ng kaalaman at aplikasyon sa kabuhayan. Halimbawa: Pagsusulat ng piling paksa sa wikang Ingles, pag-aaral ng pagsisilbi sa pamayanan, pagsasaliksik ng sanaysay, pagsasaliksik sa paksa at iba pa.
“Elektibong Kurso”: Itong uring pag-aaral ay ibinibigay ng paaralan ayon sa hilig, interes, kakayahan at pangangailangan ng mag-aaral, at nagbibigay ng pinakakaunti 6 na yunit ng pag-aaral at mapagpipilian ng mga mag-aaral. Maaaring sakop dito ang pag-aaral ng iba pang dayuhang wika, liberal na edukasyon, paggalugad ng karanasan at iba pang pag-aaral.
Q2. Dating sa pagpasok sa Grade 11, pumipili ang mga mag-aaral ng kanilang kategorya. Unang kategorya ang grupong panlipunan (social sciences), pangalawang kategorya ang grupong natural sciences at engineering, pangatlong kategorya ang medisina, gamot at kalusugan. Ganyan pa rin ba ang mga kategorya ngayon?
Sa kasalukuyan, ang layunin ng pagplano sa tatlong taon ng pag-aaral sa bawat paaralan ay ang pag-aaral ng bawat grupo sa kolehiyo. Pinagsasama ang magkakatulad na grupo sa isang klase, at may disenyo ang pag-aaral sa grupong ito para sa layuning makasama sa“grupo sa pananalapi, grupo sa pamamahala”o sa “grupo ng inhinyero, grupo ng matematika at kemistry, grupo sa impormasyon”. Magkakaiba ang pangalan ng grupo sa bawat paaralan at mag-iiba rin ang mga grupo ayon sa katangian ng paaralan. Ilalagay ang plano sa pag-aaral sa website ng paaralan. Para sa mga taong interesado, maaaring tingnan doon sa website.
Q3. Paano hinihiwalay sa kategorya ang mga grupo sa kolehiyo?
Ang mga kurso sa kolehiyo ay maaaring hatiin sa 18 grupo: pananalapi, pamamahala, engineering, matematika at chemistry, impormasyon, panggagamot at kalusugan, agham ng buhay, biological resources, kapaligiran ng mundo, arkitektura at disenyo, sining, social psychology, mass communication, dayuhang wika, panitikan, kasaysayan at pilosopiya, edukasyon, batas at pulitika, libangan at ehersisyo. Ipapakilala itong 18 grupo sa kursong pagplaplano ng karera sa unang taon ng senior high school (Grade 10). Para sa mga detalye, tingnan ang website ng Pagpipili ng Pag-aaral sa Kolehiyo.
Para sa mga detalye, maaaring tingnan ang mga link sa ibaba: