Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Madalas na Tanong at Sagot sa Pagpapatuloy ng Pag-aaral mula sa Senior High School (Pangalawang Bahagi)

Ulat:  Yangming Senior High School Academic Affairs Direktor / Hu Chieh-Ming
 

Q4. Ano ang mga paraan ng pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo mula sa senior high school?
 
Sa pagsimula ng pag-aaral sa Grade 12, dapat bigyan ng pansin ang mga paraan ng pagpapatuloy ng pag-aaral – pagpipili sa espesyal na talento, rekomendasyon sa paaralan, pag-aplay sa paaralan, pagrehistro at pagtatalaga:
 
1. Pagpipili sa Espesyal na Talento : Sa unang semestro (bandang Oktubre – Disyembre), maaaring ayusin ng Grade 12 na mag-aaral ang mga marka sa pag-aaral sa nakaraang 2 taon, ihanda ang mga kakailanganing impormasyon ayon sa bawat kategorya ng “Pagpipili sa Espesyal na Talento”. Kapag nakapasa sa paunang pagsusubok, magkakamit ng pagkakataon na ma-interbyu at patuloy na screening. (* Dahil ginaganap sa katapusan ng Enero sa susunod na taon ang eksamen sa kakayahan sa pag-aaral, kaya ang Pagpipili sa Espesyal na Talento ang nag-iisang paraan ng pagpapatuloy ng pag-aaral na hindi nangangailangan ng marka sa eksamen sa pag-aaral.)
 
2. Rekomendasyon ng Paaralan : Ang mga mag-aaral na may markang nangunguna sa 50% ng paaralan lamang ang maaaring sumali. Mas mataas ang marka, mas lalong may pagkakataong mairekomenda ng paaralan sa pagsali sa pagpipili sa bawat kurso. Isinasagawa sa kalagitnaan ng buwan ng Marso sa pangalawang semestro ng Grade 12.
 
3. Pag-apply upang makapasok sa paaralan : Mamimili ang mag-aaral ng papasukang unibersidad at kurso (pinakamarami ang 6 kurso) nang ayon sa sariling interes at plano sa kursong pag-aaralan. Kapag nakapasa sa unang bahagi ng pagpipili sa kalagitnaan hanggang katapusan ng Marso, isusubmite ang file ng sariling kasaysayan sa pag-aaral, kasama rito ang nakasulat na report (pinakamarami ang 3 kopya), file ng madaming uring performance, katibayan ng pagbibigay-silbi, pagganap bilang opisyal ng klase o ng social club sa paaralan at iba pa. Sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo ang pagsali sa screening ng bawat paaralan.
 
4. Rehistrasyon at Pagtalaga : Matapos ang eksamen sa pagpili ng kurso sa kalagitnaan ng Hulyo sa Grade 12, pinakahuling paraan ng pagpapatuloy ng pag-aaral ang prosesong pagtatalaga sa katapusan ng Hulyo.
 
Q5. Nars bang lahat ang makatapos sa kasalukuyang sistemang nursing na kasama ang kursong nursing sa unibersidad (4 taon) at 5-taon pag-aaral ng nursing sa junior college?
Ang associate degree in nursing ay maaaring ibahagi sa 5 taon at 2 taon. Ang mga graduates sa junior high school ang maaaring mag-aral sa 5 taon junior college sa nursing. Ang mga graduates sa senior high school ang maaaring mag-aral sa 2 taon junior college sa nursing. Matapos ang pag-aaral nitong 5 taon o 2 taon, maaaring magpatuloy ng pag-aaral sa 2 taon sa college at magkamit ng degree sa nursing. Ang mga nag-graduate sa Grade 12 ay maaaring magparehistro sa 4 taon ng pag-aaral upang magkamit ng degree sa nursing. Ang pangkaraniwang kurso ng nursing sa unibersidad, may 4 na taon ng pag-aaral, at sa pangalawang taon nagsisimula ang practicum. Pagkagraduate, magkakamit ng Bachelor’s Degree in Nursing. Mag-aral man ng kursong nursing sa unibersidad o sa junior college, dapat makapasa sa nasyonal eksamen ng mga medico upang magkamit ng kwalipikasyon bilang kawani sa nursing.
 
Sanggunian: Link sa website