Taga-ulat: Yangming Senior High School Academic Affairs Direktor Hu Chieh-Ming
Ang eksperimentong edukasyon ay nababahagi sa tatlong uri: “Eksperimentong Edukasyon na Uring Paaralan”, “Publikong Paaralan na pinapamahala sa Pribadong Tao”, “Eksperimentong Edukasyon na Uring hindi Paaralan” at ang “Sariling Pag-aaral sa Bahay” ay isang uri ng Eksperimentong Edukasyon na Uring hindi Paaralan. Ang mga madalas na dahilan sa pag-apply ng sariling pag-aaral sa bahay ay:
1. Hindi nasisiyahan ang magulang o bata sa sistema ng edukasyon at nais na gumawa ng sariling plano sa asignatura at progreso ng pag-aaral.
2. May malaking sagabal sa pag-aaral sa paaralan ang bata, nagdudulot ng takot o pagtatanggi sa pag-aaral.
3. Dahilan kaugnay sa kalusugan ng katawan at isip.
Kung may nais na mag-apply para sa sariling pag-aaral sa bahay, ang aplikasyon ay ginagawa tuwing Abril 30 at Oktubre 31 ng bawat taon. Maaaring mag-download ng aplikasyon form sa website ng Kagawaran ng Edukasyon at mayroon pang mapagsasangguniang sample ng plano. Ang grupong aktibidad, karanasang pagtutulungan sa maliliit na grupo, pakikisalamuha sa ibang tao na kasama sa edukasyon sa paaralan ang dapat bigyan ng karagdagang kahalagahan sa pagplano ng pag-aaral sa sariling bahay. Maraming mapagsasanggunian sa internet na pagbabahagi ng mga magulang ng batang nag-aaral sa sariling bahay. Bukod rito, kapag natapos ang pagpapatupad ng isang taon na sariling pag-aaral sa bahay, maaari pa ring bumalik sa sistemang pag-aaral sa paaralang elementarya o high school sa sariling distrito.
Hindi tiyak na nababagay sa bawat bata o pamilya ang sariling pag-aaral sa bahay. Magkakaiba ang katangian, pangangailangan sa pag-aaral, kalagayan ng pamilya ng bawat isang bata. Dapat maingat na suriin ng magulang kung nababagay ang batang mag-aral nang sarili sa bahay o hindi at kung kaya ba itong bigyan ng buong suporta ng pamilya. Sumali man o hindi sa planong pag-aaral nang sarili, maraming kursong pagsasanay sa online, maaaring pag-aralan ng mag-aaral sa bahay, tulad ng Taipei CooC-Cloud sa Lungsod ng Taipei, Adaptive Learning ng Ministri ng Edukasyon, Junyi Academy na itinaguyod ng civic foundation!
參考網站資料
臺北市實驗教育創新發展中心https://teecid.tp.edu.tw/Home/NonAnnDow
Sangguniang Impormasyon ng Website
Sentro ng Eksperimental Edukasyon at Innovation Development sa Lungsod ng Taipei https://teecid.tp.edu.tw/Home/NonAnnDow