Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Tanong at Sagot ukol sa Edukasyonal Eksamen ng mga Mag-aaral sa Junior High School Unang Bahagi

Ulat: Yangming Senior High School Academic Affairs Direktor Hu Chieh-Ming
 
Q1. Kapag hindi sumali sa Edukasyonal Eksamen ng mga Mag-aaral sa Junior High School, pwede bang magparehistrong sumali sa pagpasok sa paaralan na walang entrance exam?
Pwede. Kasamang pamantayan sa pagpasok sa paaralan na hindi nangangailangan ng entrance exam sa lugar ng Keelung at hilagang Taiwan ang “Nais pasukan na paaralan ayon sa pagkasunud-sunod”, “Pagpapatupad sa pag-aaral (kasama ang balanseng pag-aaral at pag-aaral sa pagsisilbi) at “Edukasyonal Eksamen”. (36 puntos sa bawat isa, total na 108 puntos) Kapag hindi sumali sa Edukasyonal Eksamen, 0 puntos ang score sa kategoryang ito.

Q2. Ano ang dapat bigyan ng halaga kapag nagsusulat ang mag-aaral ng nais pasukan na paaralan ayon sa pagkasunud-sunod? Paano binibilang ang score nito?

  1. Maaaring magsulat ng hanggang 30 paaralan na nais pasukan ng mag-aaral na sasali sa paraang pagpasok sa paaralan nang walang entrance exam sa lugar ng Keelung at hilagang Taiwan.
  2. Maaaring magsulat ng hanggang 30+1 paaralan na nais pasukan ng mag-aaral na sabay sasali sa pagpasok sa paaralan nang walang entrance exam at sa paraang eksamen sa pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral na may kakaibang katangian.
  3. Kapag sumali lamang sa paraang eksamen sa pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral na may kakaibang katangian, isang paaralan lamang ang maaaring isulat ng bawat mag-aaral.
  4. Maaaring ipaghalo ang pangkaraniwang senior high school at technical high school sa pagsusulat ng magkaibang bilang ng pagkasunud-sunod ng nais pasukan na paaralan.
  5. Sa pagsusulat ng technical high school o pangkaraniwang senior high school na may vocational school, maaaring magsulat ng magkakaibang kurso sa parehong paaralan. Kung isusulat nang magkakasunud-sunod, ituturing na iisa ang nais pasukan at magkakapareho ang score. Pinakamataas na score rito ang 36 puntos. 36 puntos ang una hanggang ika-5 nais pasukan na paaralan, 35 puntos ang ika-6 hanggang ika-10 nais pasukan na paaralan, 34 puntos ang ika-11 hanggang ika-15 nais pasukan na paaralan, 33 puntos ang ika-16 hanggang ika-20 nais pasukan na paaralan, 32 puntos ang ika-21 hanggang ika-30 nais pasukan na paaralan. Kapag isusulat ang parehong paaralan at dalawa o higit pang kurso nang magkakasunud-sunod, ituturing itong iisa ang nais pasukan. Halimbawa:
    1. Kung A Senior High School ang isinulat sa ika-4 nais pasukan na paaralan, 36 ang puntos nito at B Vocational Senior High School – Data Processing at Accounting ang isinulat sa ika-5 at ika-6 nais pasukan na paaralan, 36 ang puntos nilang pareho.
    2. Kung B Vocational Senior High School – Data Processing ang isinulat sa ika-4 nais pasukan na paaralan, 36 ang puntos nito; A Senior High School ang isinulat sa ika-5, 36 puntos; B Vocational Senior High School –Accounting ang isinulat sa ika-6, 35 puntos. Ito ang pagkakaiba kapag hindi magkasunod ang pagsulat sa dalawang kurso sa B Vocational Senior High School.
  6. Kapag naipasa na ang aplikasyon at impormasyon sa nais pasukan na paaralan, walang maaaring dahilan na baguhin pa ang naipasang impormasyon. Pumasa man o hindi, hindi rin ibabalik ang naipasang aplikasyon at impormasyon.
Sanggunian: Lungsod ng Taipei Website sa 12-taon Pangunahing Edukasyon ng Mamamayan
https://12basic.tp.edu.tw/faq.jsp