Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

​Pagpapatuloy sa Pag-aaral ng Mag-aaral sa Junior High School: Internasyonal Palitan na Mag-aaral

Pagpapatuloy sa Pag-aaral ng Mag-aaral sa Junior High School: Internasyonal Palitan na Mag-aaral 
Ulat: Yangming Senior High School Direktor ng Gawaing Mag-aaral / Hu Chieh-Ming

Upang himukin ang mag-aaral sa senior high school at senior vocational school na makapunta sa ibang bansa at magkaroon ng internasyonal na inter-aksyon, ang Kagawaran ng Edukasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei ay nagbibigay ng proyekto sa internasyonal palitan ng mag-aaral bawat taon. Ang layunin ng proyekto ay mapalawak ang internasyonal pananaw ng mag-aaral sa senior high school at senior vocational school, magkaroon ng malalim na pag-unawa sa kultura ng ibang bansa, linangin ang pambansang pagkakilanlan at pandaigdigang pananagutan ng isang internasyonal talento. Pipili ng 25 mag-aaral mula sa 9-10 baytang sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Taipei, pumunta sa Campbell River High School sa British Columbia, Canada at pampublikong high school sa iba’t ibang estado sa Estados Unidos upang mag-aral nang 1 taon. Bukod sa marka sa paaralan na pamantayan sa pagpili, ang kakayahan sa wikang Ingles sa GEPT ay dapat umabot sa Gitnang Level at paitaas.

Ngunit dahil sa epekto ng epidemya, ma-eextend ang pagpunta sa ibang bansa ng napiling palitan na mag-aaral sa schoolyear 2020 hanggang ngayong taon (2021) at sa kasalukuyan, hindi pa tiyak ang pagsasagawa ng proyektong palitan ng mag-aaral sa schoolyear 2022, magdedepende sa kalagayan ng epidemya. Mungkahi sa mga mag-aaral na may nais sumali sa ganitong proyekto, hintayin ang pagbuti ng kalagayan ng epidemya at tingnan ang pinakabagong impormasyon mula sa Kagawaran ng Edukasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei.

Bukod sa panahon ng high school na maaaring mag-apply sa palitan ng mag-aaral at makapunta sa ibang bansa, marami ring pagkakataon sa kolehiyo na maaaring mag-apply ng pag-aaral sa ibang bansa. Maraming unibersidad ngayon sa Taiwan ang may kasunduan sa unibersidad sa ibang bansa at nagsasagawa ng international joint degree program. Matapos ang pag-aaral sa joint degree program at kung sumasang-ayon sa kaugnay na tuntunin sa pagtatapos sa dalawang paaralan, maaaring magkamit ng dalawang degrees mula sa dalawang unibersidad. Katulad ng Fu Jen University, nakapagtatag ng pakikipagtulungan sa 31 paaralan sa Estados Unidos, Alemanya, Espanya at iba pang bansa. Ang University of Taipei ay may sistemang joint degree program sa 5 paaralan sa Estados Unidos, England, Malaysia at Kazakhstan. Makakatipid ang mag-aaral sa panahon ng pag-aaral sa ibang bansa at makakatipid sa malaking gastusin, matutupad ang pangarap na mag-aral sa ibang bansa at magkamit ng dalawang degree. 


Para sa mga detalye, maaaring tingnan ang:
Kagawaran ng Edukasyon sa Pamahalaan ng Lungsod ng Taipei Taon 2020 Proyekto sa Pagpapatupad ng Pag-aaral ng Internasyonal Palitan na Mag-aaral
Fu Jen Catholic University Academic Exchange Center webpage
University of Taipei Office of International Affairs webpage