Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Ang human trafficking ay tumutukoy sa mga pamamaraang pamimilit, pagbabanta at iba pa na nagdudulot ng takot at hirap sa paghingi ng tulong, gumagawa ng bagay na hindi nais gawin ng biktima tulad ng: pangangalakal ng sex, ikinukulong, binabantayan, tinatanggalan ng organo ng katawan at iba pa; o ikinukubli at pinapagkilala ang taong wala pang 18 taon gulang na makipagtalik sa iba … , lahat nito ay mga gawaing labag sa batas!

Kapag inaakala mong ang iyong sarili o mga kaibigan, kapitbahay o sinuman sa iyong kapaligiran ay nasa ganyang kalagayan, itawag sa mga sumusunod na telepono:

  1. Nasyonal Imigrasyon Ahensya: 02-23883095 (Human Trafficking Complaint Hotline)
  2. Nasyonal Pulisya: 110 Report Hotline
  3. Ministro ng Labor: 1955 (Dayuhang Manggagawa 24-oras Counseling and Protection Hotline)
 
Magpapadala ng taong magsaklolo ang mga kaugnay na opisinang nabanggit sa itaas. Kapag ito ay kaso ng human trafficking, magkakaroon ng serbisyong tulad ng protektadong pagtira sa shelter, sasamahan sa imbestigasyong gagawin, paggabay at pagpapayo, legal konsultasyon at ibibigay rin sa biktima ang mga kinakailangan sa paggagamot.

Website sa Buong Mundo ng Nasyonal Imigrasyon Ahensya “Eksklusibong Lugar sa Pagpigil ng Human Trafficking”
https://www.immigration.gov.tw/5385/7445/7535/