Ginaganap ang Pista ng San Fermin sa Espanya, sa timog ng Pransya at bahaging lugar sa Mexico. Dating layunin nito ang dalhin ang mga baka sa bullring at kadalasan kinakatay pagkatapos ng labanan ng toro. Pinakasikat ang Pista ng San Fermin na ipinagdiriwang sa Hulyo ng bawat taon sa Pamplona, Navarre dahil sa nobelang “The Sun Also Rises” na isinulat ni Hemingway. Madalas na nakasuot ng kulay puti ang mga kalahok, may pulang panyong nakatali sa leeg at naghahabulan sa baka upang ipakita ang pagiging matapang ng sarili.
Nagsimula ang aktibidad ng Pista ng San Fermin sa simula ng ika-14 na siglo sa bahaging hilagang-silangan ng Espanya. Dinadala ng magsasaka ang baka mula sa probinsiya hanggang sa sentro ng lungsod upang ibenta o sumali sa labanan ng toro. Gumagamit sila ng paraang pananakot upang bumilis ang takbo ng baka at nakikipagtakbuhan rin ang mga kabataan sa mga baka. Paulit-ulit na paraang ginagawa sa maraming taon, kaya naging isang uring paligsahan ang pagtakbo ng mga baka. Sinusubukan ng mga nakababatang lalaki ang tumakbo sa harapan ng mga baka upang akitin bumilis ang takbo ng mga baka. Hindi lamang itsurang pagkabayani ang nais nilang ilahad, dapat pa rin siguraduhin ang kaligtasan na hindi mabangga o unahan ng baka. Nang kumalat ang balitang gawain ng mga kabataan dito, nagsimulang nabigyan ng pansin ng iba pang mga lugar ang aktibidad kung kaya’t naging isang uring tradisyon na nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.
Sa Europa, madalas na ipinagdiriwang ang Pista ng San Fermin sa panahon na tag-init. Anim na baka ang nagtatakbuhan, minsan humihigit sa sampung baka ang tumatakbo sa nakatakdang rota sa kalsada. Karamihan sa tumatakbong baka ay mga lalaking baka. Pinakasikat ang Encierro, 9 na araw ng pagdiriwang ng Pista ng San Fermin sa Pamplona bilang pagbibigay ng alaala sa Saint Fermin (Diyos na nagbabantay sa Lungsod ng Pamplona). Ngunit naiiba na ito sa tradisyonal at naging isang malaking kaganapan sa internasyonal na paglalakbay. Bukod sa Pamplona, may pistang paligsahan ng mga baka rin sa Espanya, Portugal, Mexico at bahaging timog ng Pransya.
Subalit walang hinihinging pormal na kasuotan, ngunit pangkaraniwang sinusuot ang puting pantalon at damit pang-itaas, may nakataling pulang tela sa baywang at sa leeg bilang pag-aalala kay San Fermin. Kumakatawan sa kabanalan ang kulay puti, ang pulang tela ay paggunita sa pagkamatay. May mga tumatakbong may suot na kulay asul ang damit, at may taong naglalagay ng malaking logo sa damit pang-itaas.