Lumaktaw sa pangunahing bloke ng nilalaman

Petsa: Hunyo 23, 2024 (Linggo)

Lugar: Wanhua New Immigrants Hall

Tinatawag na bansang may mahigit sa sampung libong isla, ang Indonesia ay may 17,508 malalaki at maliliit na isla, isang bansang napupuno ng estilong bayan ng mga isla, mayaman sa kakaibang katangian ng kalikasan, geograpiya, relihiyon at kulturang sangkatauhan. Dahil sa pag-uugnayan sa pagitan ng magkakaibang lahi ng tao, mas lalong nailalantad ang kakaibang pangsining na kultura. Si Titser Lin Tsai-Nee, isang bagong imigrante mula Indonesia, may maraming karanasan sa pagtuturo at masigasig, hindi lamang nagbahagi ng kultura ng Indonesia, may dala pang sariling gawang meryendang bola-bolang malagkit na may niyog, matamis at malambot, gustong gusto ng bata’t matatanda. Itinuro pa ni Titser Tsai-Nee sa lahat na gumawa at masayang lumikha ng gawaing sining sa pamamagitan ng paggamit ng bigas. Naranasan ng lahat ang isang kakaiba at masaganang paglalakbay sa kultura ng Indonesia!