Magkapareho ang araw ng Bagong Taon sa Vietnam at ng Bagong Taon sa kalendaryong Lunar ng Taiwan ngunit may madaming pagkakaiba sa mga tradisyon at kaugalian. Isa sa alam ng maraming tao ang kaugaliang kumain ng rice dumplings tuwing Bagong Taon sa Vietnam. Sa katotohanan, makikita rin sa Guangxi at Szechuan sa Tsina ang kaugaliang kumain ng rice dumplings sa Bagong Taon. Magkaiba ang hugis ng rice dumplings sa Vietnam sa madalas natin nakikitang korteng tatsulok. May magkakaibang hugis ng rice dumpling sa iba’t ibang lugar sa Vietnam. Hugis kuwadrado o bilog ang pangunahing korte at may malagkit na bigas, munggo at karne ng baboy ang kasamang nakabalot sa loob.
Bukod sa may pagkakaiba sa pagkain, magkaiba rin ang bulaklak na nakadisplay tuwing Bagong Taon. Sa Taiwan, madalas makitang nakadisplay ang orchids, goat willow at iba pa sa Bagong Taon. Sa Vietnam, madalas na ginagawang pangdekorasyon ang peach blossom at apricot blossom. Inaakalang nagdadala ng suwerte ang bulaklak ng peach at kumakatawan naman sa salapi ang bulaklak ng apricot.
Hindi maiwasan ang mga paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon sa Taiwan. Sa Vietnam, bawal ito kaya ang pamahalaan ang nagsasagawa ng pagtatanghal ng mga paputok at ang pagnood ng mga paputok ay isa sa mga mahalagang aktibidad ng mga tao sa Vietnam na nagtitipon tuwing Bagong Taon!